Ang anumang mga katangian ng isang wika ay ang kabuuang estruktura nito. Isa mga katangian ng wikang Tagalog ay ang kung ano ang bigkas, ay ganoon ang pagbaybay at ganoon din ang pagbasa nito. Sinasabi ng isang misyonerong prayle na si Padre Chirino, na ito ay ang pinakaperpektong wika sa buong mundo. Kung ano man ang pagkaperpekto nito ay sadyang mailalarawan kung paano nagkabuklod-buklod ang mga Pilipino nang naisabatas ang pambansang wika na batay sa Tagalog. Sa usaping pagsasabatas tungkol sa pambansang wika, sabay nitong maipalaganap ang mga kaalaman tungkol sa kalikasan ng wikang Filipino ang ating pambansang wika. Sa kabanatang ito ay layuning mababatid ang mga mahahalagagang katangian ng wikang Filipino bilang usapin sa akademikong Filipino. Isa ito sa mahalagang kaalaman sa komunikasyon ang malalaman ang tungkol sa ponema, morpema, sintaksis at diskurso upang lalong mapabisa ang paggamit ng wikang Filipino.
Inilalarawan naman sa paraan ng artikulasyon kung paanong gumagana ang ginagamit na mga sangkap sa pagsasalita at kung paanong ang hininga ay lumalabas sa bibig o sa ilong sa pagbigkas ng alinman sa mga ponemang katinig. May anim na paraan ng artikulasa yon ayon sa kaliksan ng pagsasalita ng mga Pilipino:
1..Pasara-ito ang daanan ng hangin na harang na harang (p,t,k, ?,b,d,g )
2..Pailong-lumalabas sa ilong ang hangin hindi sa bibig dahil ito’y nahaharang dahil sa pagtikom ng mga labi, pagtukod ng dulong dila sa itaas ng mga ngipin, o kaya’y dahil sa pagbaba ng velum o malambot na ngalangala, (m,n,n )
3..Pasutsot- ang hanging lumalabas ay nagdaraan sa makipot na pagitan ng dila at ng ngalangala o kaya’y ng mga babagtingang pantinig ( s,h )
4.Pagilagid- ang hangin ay lumalabas sa mga gilid ng dila sapagkat ang dulong dila ay nakadikit sa puno ng gilagid ( l ).
5.Pakatal- ang hangin ay ilang ulit na hinaharang at pinababayaang lumabas sa pamamagitan ng ilang beses na pagpalag ng dulo ng nakaarkong dila (r)
6.Malapatinig- kaiba sa mga katinig, dito’y nagkakaroon ng galaw mula sa isang pusisyon ng labi o dila patungo sa ibang pusisyon .(w,y) sa (w) ay nagkaroon ng glayd o pagkambyo mula sa puntong panlabi-papasok ; samantala, ang (y) ay ang kabaligtaran nito. Ito ang dahilan kung bakit hindi isinama ang mga ito sa paglalarawan ng punto ng artikulasyon ng mga katinig.
Comments