top of page
Maghanap
Larawan ng writerPheng Cou

PAGTATALUMPATI AT DEBATE

Updated: Set 9, 2021




Ayon naman kay Rubin, et al (2006:94) ang pagtatalumpati ay nangangailangan ng lakas ng kalooban, lawak ng kaalaman, at husay sa paghawak ng wika, ang pahayag na nabanggit ay natutukoy din sa panulat ni Garcia et al (2008:218) at sumasang-ayon kay Arrogante na tungkol sa mga layunin ng pagtatalumpati na sumusunod:

1. Magbigay ng impormasyon o kaalaman 4. Mangangatuwiran (lalo na sa debate)

2. mang-akit sa isang samahan o kilusan 5. Mangungumbinse

3. Magpaliwanag 6. Magbibigay-aliw

Inirekomenda ni Alejandro(Ibid.), ang isang mabisang pagtatalumpati ay kailangang magtataglay ng kaalaman, tiwala sa sarili, at kasanayan (Casanova, 2001: 231) at batay sa mga kaisipang ito naririto ang mga dapat isaalang-alang sa pagbikas ng talumpati na may kilamanan sa tindig, tinig, galaw, kumpas at ekspresyon ng mukha na inihahayag sa panulat ni Garcia, et al (2008: 219).

1. Ipakita ang tikas sa pagtayo na natural, at magpakita ng pananabik na magsasalita

2. Simulan sa kawili-wiling tinig ang pagsasalita at pagbati

3. Pumili ng mga salitang wasto, angkop at kaaya-aya ayon sa mga tagapakinig

4. Bigkasin nang tama ang mga salita

5. Ipadama sa madla na silang lahat nakikita mo at kinausap

6. Kapag may pumapalakpak, huminto muna sa pagsasalita.

7. Bigyang-tugon ang mga reaksiyon sa madla.

8. Linawin ang mga kaisipang maaring hindi naunawaan sa madla

9. Sa pagwakas ng mensahe, mag-iwan ng pangungusap bilang pangkintal sa isipan

10. Hagisan ng tingin ang lahat bago tapusin ang pagsasalita at mahinahong bumalik sa upuan.

Sa pagbikas ng talumpati ay maaring maisasagawa sa apat(4) na paraan (Tumangan Sr. et al (1997: 27) gaya ng mga sumusunod:

1. pagbasa sa isinulat na talumpati

2. pagbigkas mula sa balangkas ng talumpati

3. pagbigkas mula sa buod ng mahalagang paksa

4. pagbikas nang hindi pinaghandaaan o extemporaneous

At, ang talumpati ay mauuri sa tatlo(3) ayon kay Arrogante (1994: 181) at ito ang mga sumusunod:

1. Impromptu o Biglaan. Sa kasong ito ang mananalumpati ay walang paghahanda ibig sabihin nito ang taong maaring mabigyan ng ganitong pagtatalumpati ay sanay na. Sa programa ni Jessica Sojo nang parating ang eleksyon iniimbitahan niya ang mga kumakandidato pagka-senador, binibigyan ng mga katanungan at isang minute lamang magsasalita.

2. Ekstempranyo o Maluwag. Hindi rin nakapaghanda ang mananalumpati dito ngunit nang ipapaalam na ang paksa may iilang minute ang ibibigay para mapag-isipan ang mga ideyang ilalahad. Ito ay isang uring hindi sinasaulong talumpati.

3. Preparado o Handa. Sa SONA ang president ay magsasalita hanggang tatlong oras, kaya isang masusing paghahanda ang nangyayari dito. May pananaliksik ito upang maging may mga batayan ang mga katotohanan mailalahad. Ito rin ang uring talumpati ang mangyayari sa debatehan. Ang mananalumpati ay may sapat na panahon sa paghahanda.

Kailangan ng kumpas ang pagtatalumpati, ngunit kung bawat sasabihin na lamang ay sabayan ng kumpas ay nakalilito at mawawalan na ng bisa ang mensahe ng pagtatalumapati. Naririto ang iilang halimbawa ng kumpas at kahulugan:

1. Nakalahad ang palad—nagpapahayag ng pagtanggap o pagsang-ayon

2. Dalawang braso mabilis na pataas at nagpapakita ng kamao—nagpapahiwatig ng lakas at determinasyon o pagsulong

3. Palad na nakataob—nangangahulugang pagtanggi

4. Pagtuon ng gamit ang hintuturo— may tinutumbok o pagtawag ng atensiyon

5. Pagguhit ng larawan—nagpapakilala ng larawan ayon sa hugis

6. Mga bisig na binagsak—-nagpapahiwatig ng walang laban o walang magagawa

7. Paghawi sa kanan—ibig sabihin na tantanan na o hindi na mapipigilan pa

8. Nakalahad ng palad at parang pinutol isa pang palad— nangangahulugang tuldukan na.

9. Pagtaas ng isang dalawang palad—nagpapahiwatig ng paghahandog

10. Pagtatas ng kanang kamay sa harapan—pagtukoy sa isang bagay o kaisipan.

ANG PAGDEDEBATE


Ang katawagang debate ay tinuturing din na pagtatalo. Ang debate ay isang uring pormal na pagtatalo dahil ito ay may mga pamantayan. Ang pagtatalo ay hindi katulad ng debate dahil maaari itong mangyayari saan-saan at kailan. Sa panulaang Pilipino, ang pagtatalo ay nakagawian na noong pang unang panahon sa paraang patula na pawang paligsahan lamang at itatanghal sa entablado—ang balagtasan. Sa politika naman, natatangi ang debate dahil maraing mga panukalang dapat ipasa at ang mga nasa upuan ay silang magtimbang-timbang nito.

Bilang pormal na pagtatalo, ang debate ay pagpapalitan ng mga katwiran sa dalawang magkasalungat na panig sa pamamagitan ng mga patunay at ebidensiya. Hindi ito managap agad-agad, kailangan ito ng paghahanda at kailan ang takdang paghaharap muli at darating pang paghaharap bago hahatulan kung kaninong panig ang may sapat na mga pangangatuwiran. Ang talatakdaan ay pagkakasunduan kabilang na ang mga pamantayang susundin. Ang dalawang panig ay mapasailalim ng tagapangasiwa. Ang pangangatuwiran ay isang basehan kung sino ang nakakahigit . Ang pangangatuwiran ay naayon sa proposisyon. Ang proposisyon ay ang paksang pagpapasyahan o pagtatalunan. Ang paksa ay naayon sa isang isyu na papasyahan ang katotohanan.

At, ayon kina Garcia, et al (2008:232), sa proposisyon ay nagmumula ang lahat ng argumento at mga suporta kaya napakahalagang maging malinaw at ganap itong maunawaan ng dalawang panig na magtatalo upang walang lumihis upang walang lumihis na mga katwiran. Ang mga susing-salita ay dapat ring bigyan ng pagpapahalaga. Kailangan nagkakaisa ang dalawang panig sa bawat salitang nakapaloob dito. Sa pahayag nina Garcia et al, nilinaw niyang tiyak ang mga kahulugan ng mga salitang kabilang sa proposisyon upang hindi mag-iba-iba ang pagpapakahulugan ng bawat panig at dagdag niya kailangang may katuturan ang bawat termino sa proposisyon.

Ang paksa at proposiyon ay mga elemento ng pangangatuwiran (sa debate) ayon kay Tanawan et al (2003:120). Ang paksa ay ang tinatalakay sa anumang uring pagdedebatehan at ang proposisyon naman ay tumutukoy sa paninindihan—ibig sabihin sang-ayon o sumasalungat o kadalasang tinatawag na positibo o negatibo. Ang proposisyon ay maaaring patakaran, kahalagahan at pangyayari. Ilalahad ito sa paraang paturol o pasalaysay na pangungusap na may simuno at panaguri na may positibong kaisipan na kailangang tiyak, napapanahon at nangangailangang pagtatalunan. Naririto ang mga uri ng proposisyon:

1.Patakaran: ito ang kadalasang magaganap na debate sa publiko. Ang paksa nito ay sumasaklaw ng tungkol sa pagkilos at pagbibigay solusyon. Sa paglalahad ng proposisyon, ito ay mag-uumpisa sa salitang “dapat”.

2. Kahalagahan: sa uri ng proposisyong ito, nasa kabutihan o walang silbi ang paninindigan nito. Kailangan ang mga ebidensiya nitong magpapatunay kung bakit ang isang bagay ay pangangailan o hindi.

3. Pangyayari: sa ganitong uring proposisyon ay pinaninindigan ang katotohanan tungkol sa isang pangyayari.

Ngunit inuuri lamang ng dalawa ang proposisyon sa ibang manunulat na proposiyong katunayan at patakaran.

Sang-ayon kay Tanawan, et al (2003: 121) ang isang mahusay na proposisyon ay kailangang:

1. kawili-wili at nakakapukaw ng interes

2. ang paksa ay napapanahon

3. malinaw at tiyak

4. may mga patunay sa pamamagitan ng ebidensya

5. walang kinikilingan

6. may malinaw na pagkakaugnay-ugnay ang mga ideya



2,042 view0 komento

Mga Kamakailang Post

Tingnan Lahat

Comentários


Post: Blog2_Post
bottom of page