Ang palaugnayan ay tumutukoy sa pagsama-sama ng mga kataga, salita, parirala, sugnay, at iba pang mga sangkap upang makabuo ng pangungusap. Sa palaugnayan ay nilalayong mabuo ang pangungusap na may kawastuan at malinaw ang diwa. At, dito pumapasok ang mga alituntuning panggramatika o pambalarila.
Maraming dapat malalaman tungkol sa gramatika o balarilang Filipino na siyang naglalarawan sa kung paano ginagamit ng mga Pilipino ang wikang Filipino sa komunikasyon. Isa na sa tatak ng gramatikang Filipino ay ang karaniwang ayos ng pangungusap na WALANG ‘AY’, at ito ito ay tanda lamang na may paiba-ibang kalikasan ang wikang English at wikang Filipino dahil ang mga wikang ito ay magkaiba ng pinagmulan.
Batay sa pagbuo ng pangungusap, ang mga bahagi ng pananalita ay nauuri sa dalawa (2): ang pangnilalaman at ang pangkayarian. Ang pangnilalaman ay ang pangngalan, panghalip, pandiwa, pang-uri, pang-abay at pandamdam. Ang pantukoy, pang-ukol, pang-angkop, pangatnig at pangawing tinatawag na pangkayarian. Ang pangnilalaman ay mga salitang pinakasangkap sa pangungusap samantalang ang pangkayarian ay ang mga salita o kataga ginagamit bilang pang-ugnay sa mga salita upang makabuo ng pangungusap at mapalawak ito. Sa pagbuo ng pangungusap, ang wikang Filipino ay may likas na alituntunin na tumutuon sa pagkakatugma sa simuno at pandiwa ng pangungusap ayon sa bilang, ayon sa pokus ng pandiwa, at ayon sa pananda. Ang pantukoy at pang-ukol ay mga pananda sa pangngalan at panghalip. Ang pang-uri at pang-abay naman ay ginagamit bilang mga panuring, ang pandiwa at pangawing din ay ginagamit bilang pampapakilos ng pangungusap. Samantala, ang pandamdam ay salitang malaya bilang bahagi ng pangungusap dahil nagtataglay ito ng sariling kahulugan ariling kahulugan at makapag-iisa. Ang pang-angkop ay ginagamit upang dugtungin ang dalawang salita na maaring maging sangkap sa pangungusap bilang isang bahagi.
Ang kalinangan sa alituntuning panggramatika sa wikang Filipino ay dala rin sa pagtatag ng Summer Institute of Languages (SIL) sa Pilipinas, at sa mga Pilipinong lingguwista. Mula sa mga mahalagang kaalaman ni Lope K. Santos, lalong napayabong din ang pag-aaral nito simulang si Cecilio Lopez (ang kauna-unahang nakapagtapos ng doktorado sa larangan ng lingguwistika) ay kinilalang ama ng Lingguwistikang sa Pilipinas at isa sa kanyang mga obra ang tungkol sa gramatika ng wikang Tagalog bukod sa kanyang humigit-kumulang na 30 pag--aaral. Binibigyan niya ng tuon ang pag-aaral tungkol sa leksikon sa Tagalog at Malay at ang pangkalahatang mga wika sa buong bansa. Binuhusan din ng panahon ni Ernesto Constantino ang pag-aaral tungkol sa Sentence patterns of the ten major Philippine languages noong 1964 na pinaghahambig-hambing —ang Tagalog, Waray, Bikol, Cebuano, Hiligaynon, Tausog, Ilokano, Ibanag, Pangasinense at iba pa. Ngunit bukod nito marami pa siyang isinasagawang pag-aaral. At, naabot din ni Consuelo Paz ang pag-aaral tungkol sa deskripsyon at ebalwasyon sa mga wika sa Pilipinas at nagawa niya ang Roconstruction of Proto-Philippines Phonemes and Morphemes sa taong 1981. Si Fe Otanes naman ay kasama ni Paul Schacter sa pagsulat ng gramatika ng wikang Tagalog sa taong 1972. Samantala, pinag-aralan di ni Teodoro Llamzon ang ponolohiya at sintaks ng Tagalog at nabuo ang klasipikasyon sa mga wika ng Pilipinas at nagbibigay tuon sa paglinang ng pambansang wika at pagpaplano nito. Subalit, sa akdangguro na Florante at Laura ni Balagtas, ipinakita rin ni Balagtas ang pagsunod sa pamantayang palatitikan at palabaybayan ng Wikang Pambansang Pilipino at sa pagsasapaksang pabaha-bahagi upang maianyong pampa-aralan ang aklat na iyon (Monleon, 1968: VII).
Sa usaping pagkakatuto ng wika sa aspektong gramatika, inilalarawan ni Gonzales (1984) ang katayuan ng mga Pilipino sa pagkatuto ng unang wika(L1) sa aspektong gramatika na nangangahulugang hindi mahirap matutunan ang gramatika sa sariling wika. Narito ang kanyang pahayag:
In analyzing the development of grammar, categories in traditional grammar were used, enriched by insights from case grammar, a semantically-based model, and the notion of singulary linear transformations which were however meaning-preserving.
Sa kanyang pahayag ay ipinapahiwatig na ang mga alituntuning panggramatika ay naaayon lamang sa paggamit ng wika. At, ito’y kaugnay sa mga pahayag ni Villafuerte et al(2009), buhat sa kanyang obserbasyon na maraming pagbabagong nagaganap sa mga gumagamit ng wika, kaya ang kanyang opinyon ay ang mga kawastuang nakatala sa balarila ay dapat sundin. At, sa pagtuturo ayon sa Coutinho (2006), ang pagtamo ng kasanayan ay nakasalalay sa bawat pamamaraang gagamitin ng guro. Ibig sabihin nito na ang pagkakatuto ng gramatikang Filipino ay hindi balakid sa pagpapalambo ng wikang Filipino lung lubusang ituturo ito. Kaya tunguhin sa aklat ito na makilala ng mga estudyante ang mga tiyak na alintuntuning panggramatika upang matamo ang kasanayan sa komunikasyon sa akademikong Filipino, na kahit anumang pagbabago ng ating wika, may mga alitunin pa ring nanatili gaya ng gamit ng pangngalan sa pangungusap, pagkilala sa mga sangkap ng pangungusap at ang kayarian nito.
Pansinin ang pangungusap na ito at alamin kung ano ang gamit ng pangngalan sa loob ng pangungusap:
Mga Sangkap at Kayarian ng Pangungusap
Ayon kina Matienza & Matienza(2011:42) ang mga salita, ang mga parirala, ang mga pangungusap, at ang talata o talataan ay pinagsama-sama upang makabuo ng kasiya-siyang diskurso. At, batay sa kaisipang iyon, nararapat pag-aralan ang tungkol sa sangkap at kayarian ng pangungusap bilang tulay sa pagbuo ng mabisang pagpapahayag dahil tumutuon ito sa kawastuang pambalarila. Ito ay isang mahalagang kakayahang dapat taglayin ng mga estudyante, at upang matamo ito kailangan magkakaroon muna ng mga kaalamang pambalarila lalong-lalo na ang mga estudyante mula sa Kabisayaan—mga estudyanteng hindi Tagalog. Sa pagtatalakay nito, magabayan ang mga estudyante upang maiiwasan ang mga kamalian sa pagpapahayag, pabigkas man o pasulat. Ang pag-aaral sa sangkap at kayarian pangngusap ay isang hakbang upang mapabisa ang pagpapahayag. Ang pangungusap ay kinasasangkapan ng mga sumusunod:
1.Salita - tumutukoy ito sa anumang terminolohiya o katawagang kumakatawan sa higit na dalawang pantig at nagtataglay ng kahulugan. Ito ay kumakatawan sa bahaging panananalita na pangnilalaman gaya ng pangngalan, panghalip, pandiwa, pang-uri, pang-abay, at pangatnig na may kahulugan. Ang salita bilang bahagi o sangkap ay may natatanging papel. Sa ibang pananaw ang pangungusap ay puwedeng magtataglay ng isang salita lamang na may buong diwa.
2. Parirala - pinagsama-samang salita na maaring magagamit bilang bahagi ng pangungusap gaya ng sinumo, panaguri, pamuno sa simuno, panuring at iba pa. May tinatawag na pariralang pangngalan, pariralang panghalip at pariralang pang-ukol, at pariralang panguring.
*sa himpilan ng radyo *umalis kahapon *likas na mayaman
* kurikulum sa edukasyon *flyover sa daan *dapat tama sa salita at gawa
* pagpapayaman sa kultura * pagtulong sa kapwa * intelektwalisasyon ng wika
3.Sugnay - ito rin ay pinagsama-samang mga salita ngunit higit pa ito sa parirala ang kayarian nito dahil may bahaging simuno at panaguri. Kung ito ay lalagyan ng bantas na tuldok ito ay matatawag na isang payak na pangungusap. Sa pagbuo ng pangungusap na tambalan, hugnayan, at langkapan,ang pagkilala ng sugnay ay isang mahalagang kaalaman.
*manalangin tayo araw-araw * tinuklas ang biodiversity sa karagatan * kung tumatag ang ekonomiya sa ating bansa * nagbabago ang klima
* pinag-aralan ang kasaysayan * kahit nahihirapan sila
4.Mga Katagang Pananda. Ang mga kataga o ingklitik ay mga sambitin na may iisa o dadalawang pantig lamang. Walang taglay na kahulugan ito ngunit ito ay nakapagdagdag ng kaisipan sa mga salitang dinidugtungan nito na ginagamit bilang pang-una sa pangngalan at panghalip, at nag-uugnay sa mga salita.
5.Mga Ingklitik o Katagang Pang-abay. Mga sambitin din itong may iisa o dadalawang pantig lamang na magkakaroon lamang ng kahulugan kapag ikakabit sa mga salita. Ang gamit nito ay nagpapatindi o nagpapalabis sa isinasaad na kilos, kalagayan o katangian. Ginagamit ito sa pagpapalawak ng pangungusap.
6.Mga Bantas o Panandang Guhit– sa pagbuo ng pangungusap ang mga pananda na tuldok, tandang pananong, at tandang pandamdam ay ginagamit bilang mga bantas sa hulihan. . Ganundin ang kuwit (,) tutuldok (:), tuldok-kuwit (;), tutuldok-tuldok (...) gitling(-) at gatlang (— ) upang magkakaroon ng katiyakan ang mga kaisipan. Ang mga ito ay palatandaan sa mga kaisipan taglay ng pangungusap nang sa ganoon ay nakapagdagdag ng kahulugan.mga kataga o ingklitik, salita, parirala, sugnay na hindi nakakalito gamit ang mga angkop na panandang guhit o mga bantas. Halimbawa:
Simpleng pangungusap: Inilunsad na ang K to 12.
Pagpapalawak 1: Inilunsad na simulang 2010-2011 ang kurikulum na K to 12 na may pokus MTB/MLE.
Pagpapalawak 2: Inilunsad na sa DepED simulang 2010-2011 ang kurikulum na K to 12 na may pokus MTB/MLE na nagbibigay-daan upang lalong mapaigting ang pag-aaral ng wikang panrehiyon.
8. Pagbati. Nagpapahayag ito sa mga nakasanayang pagbati para sa iba bilang tanda ng paggalang.
Kumusta! Tao po.
Magandang araw Maraming salamat.
9. Pananong. Naglalahad ng kaisipan nais linawin o itatanong.
Ano? Magkano ba?
Ilan? Saan?
10. Panagot sa tanong. Ito ay may kinalaman sa anumang maaring maisasagot sa tanong.
Opo! Tama na!
Ayoko. Sige,tara na.
11. Panlunan. Sa aspektong ito ay ipinahiwatig ang alinmang kaisipan na nagsasaad ng pook, lugar o kinalalagyan.
Sa UC Library Sa DFA.
Sa may Jollibee. Sa PAG-IBIG Ayala
5. Uri ng Pangungusap Ayon sa Kayarian
Ang mga kaalaman sa kayarian ng pangungusap ay saklaw sa pangungusa na ganap. An pangungusap na ganap ay may bahaging simuno at panaguri. Ang simuno ng pangungusap ay may panandang pantukoy kapag ito ay pangngalan. Mahalagang usapin dito ang mga bahagi ng pangungusap (paksa o simuno at panaguri ) upang makilala ang kayarian ng isang payak na pangungusap. Ang pagkilala ng simuno at panaguri ay susi sa pagkilala sa kayarian ng pangungusap. Mahalaga ang kaalaman tungkol nito bilang kailanganin sa mabisang pagpapahayag sa pasulat at pabigkas na paraan.
Sa kasong pasulat, higit na mapalinaw ang anumang pagpapahayag kung ito ay may tamang estruktura. Mahalaga rin ang kaalaman tungkol sa mga sangkap ng pangungusap dahil lalong makilala nito ang mga bahagi ng pangungusap. At, matukoy ang ayos nito: baliktad o karaniwan. Ang baliktad na ayos ay ang pangungusap na may panandang ‘ay’, at ang karaniwang ayos ay ang pangungusap na walang ay. Ang karaniwang ayos din ng pangungusap ang ginagamit sa oras sa ng ating aktwal na pagpapahayag.
Ang kayarian ng pangungusap ay nagsasaad kung ilang mga kaisipan ang binabanggit sa isang pangungusap o pahayag.
May apat (4) na uri ang kayarian ng pangungusap na ganap, ito ay ang payak, tambalan, hugnayan at langkapan. Mahalagang kaalaman ito sa akademikong Filipino upang lalong mapabisa ang pagpapahayag —pasalita o pasulat man. Pag-aralan ang mga sumusunod na halimbawa batay sa iba’t ibang kayarian.
Ganoon pa rin, ang kaalaman sa mga sangkap ng pangungusap, bahagi ng pangungusap, mga pangatnig , mga pamaraan sa pagpapalawak ng pangungusap at ang pagkakaiba ng sugnay at parirala ay kailangan sa pagbuo ng iba’t ibang pangungusap ayon sa kayarian.
Tunghayan ang kasunod na pahina ang paglalahad sa pagkakaiba ng bawat kayarian ng pangungusap sa pamamagitan ng iba’t ibang halimbawa.
Comments