top of page
Maghanap
Larawan ng writerPheng Cou

KOMUNIKASYON

Ang komunikasyon ay hango sa salitang Latin na “communis”, ang salitang “komunikasyon” naman ay hango sa Kastila, at naging panumbas sa Tagalog ang katawagang pakikipagtalastasan. Ang communis ay nangangahulugang panlahat o para sa lahat.

Ang wika ang siyang tanging sandata o susi upang maisakatuparan ang anumang pakikipag-ugnayan ng tao sa kanyang kapwa.Nagiging kasangkapan ito upang maiparating ang anumang saloobin o ideya sa pamamagitan ng komunikasyon. Upang mabatid ang kahulugan ng komunikasyon, naririto ang iba’t ibang pagpapakahulugan ng mga manunulat tungkol sa komunikasyon. Ang mga ito ang magbibigay sa atin ng linaw kung ano nga ba ang papel na ginagampanan nito sa pang-araw-araw na buhay ng tao at ano ang kaugnayan ng wika sa makapangyarihang salitang ito.

· Ayon kina Lorenzo et al. (sa Pagkalinawan, 2004:3), ang komunikasyon ay ang pagbibigayan ng mga ideya na kinapapalooban ng tagapagsalita,tagapakinig at ang pag-unawa.Ang tatlong sangkap ay siyang napakahalaga upang maisakatuparan ang paghahatiran ng mga ideya sa dalawa hindi maaaring mawala ang isa sa kanila sapagkat walang komunikasyong magaganap.

· Ipinahayag naman ni Webster, ang komunikasyon ay ang pagpapahayag ng mga saloobin na siyang ginagawa sa pasulat man o pasalita. Naging tulay ang komunikasyon sa mga taong nagkalayo at nagagawang bigkisin ang mga damdaming magkahiwalay.

· Nagpapahayag at nagpapalitan ng ideya, opinyon, o impormasyon sa pamamagitan ng pagsasalita, pagsulat o pagsenyas ayon sa American College Dictionary ni Barnhart. Naipapalabas ng tao ang anumang maganda at masamang saloobin na maaaring makapagpapagaan ng kanyang loob. Naibababahagi niya sa iba ang anumang karunungan o kaalaman na kanyang napulot mula sa kanyang pagmamasid at pakikipag-uugnayan sa kanyang kapaligiran.

· Halaw sa artikulong Process of Communication(2012), ang komunikasyon ay isang proseso sa paghahatid at pagtanggap ng mensahe na may layuning makapag-eenganyo ng impormasyon.

Sa kabuuan ang komunikasyon ay kabahagi na sa buhay ng tao, walang araw at walang oras na hindi nakipag-ugnayan ang tao sa kanyang kapwa. Naging maunlad ang kanyang buhay sa larangan ng karunungan dahil sa komunikasyon.Malaking panahon ang ginugugol ng isang tao sa pakikipagtalastasan sa lahat ng sitwasyon siya ay nagpapaliwanag,naglalarawan, nagsasalaysay nagtatanong, nag-uutos, at nagpapahayag ng damdamin at dahil dito,nararapat na matutunan ang mabisang pakikipagkomunikasyon upang ganap na magkakaunawaan ang dalawang panig na nag-uusap ang tagapakinig at tagapagsalita. Ito ang komunikasyong berbal. Subalit hindi naman maiiwasan na ang mensahe ay puwedeng maipapaabot sa paraang di-berbal, kaya sa bawat pagkikisalamuha at pakikipag-interaksyon ay kasabay mangyari ang komunikasyong berbal at di-berbal. Ginagawa sa dalawang paraan ang komunikasyon: berbal at di-Berbal. Madaling makikilala ang pagkakaiba ng dalawang uri ng komunikasyon. Ang Komunikasyon berbal ay tumutukoy sa lahat ng uri ng nasusulat at sinasalita gamit ang wika samantalang ang di-berbal naman ay tumutugon sa lahat ng aspetong hindi ginagamitan ng mga salita.

Napakahalaga nga ng komunikasyon saan mang dako ng ating buhay. Nagiging kasangkapan ang pakikipagkumonikasyon upang mapaunlad ang isang lipunan o pamayanan. Maraming sitwasyon o pangyayari sa ating lipunan kung saan makikita ang kahalagahan ng komunikasyon. Sa bahay, tanggapan, simbahan, palengke,paaralan at iba pa. Sa bahay napakahalaga ng komunikasyon sa mag-anak —-ang mga magulang at ang mga anak ay dapat magkaroon ng malayang komunikasyon upang maiwasan ang hidwaan sa isa’t isa. Sa tanggapan kailangan ang pagkakaroon ng komunikasyon dahil ito lamang ang susi upang maging maganda ang pakikitungo sa bawat isa sa loob paggawaan at matagumpay din ang anumang adhikain na gustong abutin dahil sa komunikasyon. Sa lahat din ng negosyo ay kailangan ang komunikasyon sapagkat walang magaganap na pagbibilihan kung hindi magkakaunawaan ang negosyante ay ang kanyang mamimili. Sa anumang uring layunin sa pakikipagkomunikasyon magaganap din ang iba’t ibang tipong komunikasyon, uring intrapersonal (komunikasyon na isa lamang ang kasangkot), interpersonal(komunikasyong kasangkot ang dalawa o higit pang tao), pang-organisasyon, pangmasa, pangkultura, at iba pa. Sa anumang uring komunikasyon ay mangyari din ang pagiging pormal at impormal na komunikasyon. Ang anumang layunin sa komunikasyon ay batayan din sa anumang uring komunikasyon ang magaganap.

Komunikasyong Berbal


Sa pag-aaral ni Dell Hymes, ang akronim na SPEAKING ay iniugnay niya sa mga component ng komunikasyon na nagbibigay-tuon sa komunikasyong pasalita— speech events at speech acts na nakapaloob sa kontekstong kultural (Resuma et al, 2002) ang component na ito ay nagsasaad na mga dapat isaalang-alan upang maging epektibo ang pakikipagkomunikasyon pasalita-pakikinig.

S – Setting (Saan nag-uusap?)Sa pag-uusap ay dapat isaalang-alang ang lugar o pook kung saan nangyayari ang pag-uusap nagkaroon ng iba’t ibang pamamaraan,uri ng pananalita at paksa na ginagamit depende sa lokasyong ginagamit. Halimbawa: Sa loob ng palengke hindi maiiwasan na maingay ang usapan dahil sa may iba’t ibang layunin ang bawat taong naroon katulad ng mga tendera sumisigaw upang mabinta ang kanyang paninda gayundin ang mamimili na nakipagtawaran sa tendera.

P – Participants ( Sino ang kausap,nag-uusap?) ag-uusap ang tagapagsalita at tagapakinig. Ang kanyang pagkatao ay mahalagang salik sa kanyang pakikipag-usap sa kanyang kausap. Ang mahalaga rito ay malaman natin ang interaksyon na nangingibabaw sa pagitan ng nag-uusap sa kausap sa dahilang makaapekto ang indibidwal na panlasa ng dalawang pangkat. Halimbawa: usapan ng magkakaibigan o kaya’y usapan ng isang ina sa kanyang anak.

E – Ends (Ano ang layon ng usapan?). Ang layunin ng interaksyon ang siyang binibigyang pansin at nais makamtan ng pakikipagkomunikasyon. Halimbawa: pakikinig ng mga estudyante sa gurong nagtatalakay sa loob ng silid-aralan.

A – Act Sequence (Paano ang takbo ng usapan?) .Sa puntong ito pinag-usapan ang paraan ng paghatid ng usapan. Halimbawa: Isang galit na kaibigan ang sumalubong kay Rhea at pasigaw na sinabi ang narinig niya sa iba pa nilang kaibigan.Maya-maya ay naging mahinahon na ang dalawang panig nang magpaliwanag si Rhea sa narinig ng kanyang kaibigan.

K – Keys ( Istilo o speech register? Pormal ba o Di pormal?). Ito ay inangkop sa sitwasyon, layunin, pook,oras o lokasyon at higit sa lahat ang uri ng participants. Halimbawa: Sa palengke, maaaring magsisigawan ang mga tinder at kostumer ngunit di ito puwede sa loob ng klasrum o sa simbahan.

I – Instrumentalities ( Pasalita ba o Pasulat?). Ang psgpapahayag ng kaisipan sa component na ito, isaalang-alang ang mga sumusunod: kalagayan o sitwasyon, layunin, kagustuhan ng mga taong nakikipagkomunikasyon, ang mga taong tumatanggap ng mensahe. Halimbawa: Kung nasa malayo ang nag-uusap maaaring sulatan o gumamit ng cellphone habang puwede mo naman siyang kausapin kapag kaharap mo ito.

N – Norms ( Ano ang paksa ng pag-uusap?). Ang paksa ay nagdedepende sa layunin, panlasa, interes o kagustuhan ng nag-uusap. Halimbawa: Ang paksa ng mga kabataan ay naayon sa mga pambatang mga bagay kumpara sa mga paksa ng mga matatanda.

G – Genre ( Uri ng pagpapahayag). Tumutukoy ito sa kung anong uri pagpapahayag kanyang ginagamit ito’y naaayon sa kanyang layunin maaari siyang magsalaysay, mangatwiran, maglarawan, manghikayat o kaya maglahad. Halimbawa: Paglalarawan ang gamitin kapag nagsabi sa katangian tungkol sa nakitang bagay, lugar, tao o pangyayari.

Natutukoy naman ni Gordon Wells (1981) ang tungkulin ng pagsasalita sa komunikasyon na katulad din sa mga kaisipan M. A. K. Halliday at Dell Hymes tinatalakay sa nauunang kabanata, ang TUNGKULIN at GAMIT NG WIKA. Sa mga tungkuling ito, ipinahiwatig na ang wika ay natatanging midyum sa komunikasyon at nagkakaroon ito ng halaga na hindi rin makikita sa iba pang paraan. Sa kaisipang ito ang anumang tungkuling at gamit ng wika ay maiimpluwensyahan rin sa ipinapaliwanang na kaisipan sa akronim na SPEAKING.



ANG KOMUNIKASYON Di-BERBAL

Ang di-berbal na komunikasyon naman ay ginagamitan ng mga galaw o kilos ng katawan, ekspresyon ng mukha gaya ng pagngiti, pagsimangot,pagtango,pag-iiling,pagngiwi; ang paggalaw ng mata gaya ng pagkindat,pagtaas ng kilay,pagkulubot ng noo ay siyang ginagamit din upang maihatid natin ang gusto nating iparating. Berbal man o di-berbal na komunikasyon ay kailangan maging malinaw ang paggamit nito upang matugunan ito ng maayos ng kausap.Sa pakikipagkomunikasyon gumagamit tayo ng wika upang maipahayag ang mga ideya na nais ipahatid ng nagsasalita sinasabayan naman ito ng mga kilos at galaw ng katawan upang mas mabigyan diin ang mensahe ng nasabing ideyang ibinigay. Mapapansing hindi sapat ang wika dahil palaging ginagamit ang komunikasyong di-berbal at sinasabi makapangyarihan ito kaysa komunikasyong berbal .Maraming mga bagay at mensahe ang naihahatid sa pamamagitan ng komunikasyon di-berbal at may mga mensahing higit na nauunawaan nang hindi kailangan ang mga salita. Malimit madaling makakaunawaan ang mga tao gamit ang mga cue dahil ang mag taong nasa isang pangkat ay pagkakahawig ng kawilihan na ayon pa man ni Pentland(2012) na ito’y awtomatik na mangyari dahil sa ating pag-iisp.

Kaugnay din dito sa binanggit ni Albert Mebrabian ang kahalagahan ng pakikipagkomunikasyon ay nahahati sa tatlo(3): 55% -kilos at galaw ng katawan, 33% -tono, at 7% --mga salitang ginagamit.. Maituturing na ang totoong lenggwahe ay ang kilos o gawi dahil sinasabing “action speaks louder than words”, wika nga. Bawat galaw ng tao ay maglalantad o magpapakita ng kanyang totoong ugali at damdamin. Kadalasan sa pakikipagkomunikasyon ay di-verbal. Malimit itong nagpapakitas a totoong nararamdaman ng tao kaysa kanayang sinasabi (Leyson,2008,82). Naririto ang iba’t ibang uri ng komunikasyong di-berbal:

1. Dactytology (sign language). Panghalili na galaw para sa mga salita, bilang at manwal na alpabeto.

2. Kinetik na kilos o gawi. Paghahatid ng mensahe sa pamamagitan ng mga kilos at galaw ng katawan . Ang galaw ng katawan , kumpas, ekspresyong ipinapahiwatig ng mukha ay sumasalamin sa ugali, disposisyon, pati na ang pandaraya at pagsisinungaling. Ang ekspresyong ipinahiwatig ng mukha ay sinasabing pinakamadaling sukatan ng emosyon at nadarama ng tao (kaligayahan, kabiguan, pangungulila, pagkatakot, pagkainis, pagkagulat, atb.) Ang ayos ng katawan naman ay nagpapahiwatig din ng iba’t ibang kahulugan gaya ng paghukot o pagtikas ng balikat. Ang galaw ng mga kamay, braso at paa ay naghahatid din ng mensahe ng panturo, pagkukuyom, pagbabagsak, pagbubukas ng palad, atb.

3. Paralanguage. Pagpapahiwatig sa mensahe gamit ang tunog na ating naririnig, kalidad ng boses, pagtawa, paghikab, volyum (lakas at hina), tono (taas o baba), bilis na sumasalamin sa personalidad, level ng pinag – aralan, at pag-uugali.

4. Espasyo ( Proxemics). Ito mensahe sa pamamagitan sa distansya at ayos ng espasyo, may kinalaman ito sa espasyo ng mga tao sa pang- araw–araw na interaksyon. Ang espasyo ay nagpakilala sa relasyon ng nagsasalita sa kaharap o kausap. Ang espasyo ay may iba’t ibang pakahulugan: (a) mga tiyak na katangian - estruktura ng mga bayan at lungsod, (b) malatiyak na katangian ng espasyo – patern na naghihiwalay sa mga tao (sociofugal spaces) o naghahati sa mga tao ( sociopetal spaces); at (c) impormal na katangian – masalimuot na pagpapalagayang-loob, istatus at pagkukusang makipag-interaksyon.

5. Haptics. Komumikasyong ginagamit ang paghipo sa pakikipagkomunikasyon na may kahulugang sa pagpapadama ng iba’t ibang damdamin sa tulong ng paghawak, sa kausap at sa pagpapahatid ng mensahe gaya ng paghawak ng kamay, pindot, tapik, pisil, haplos at hipo.

6. Panlabas na kaayuan at kasuotan. Ang kaanyuan at kasuotan ay makapagbigay ng empresyon hinggil sa isang tao. Ang kulay ay nagpapahiwatig din ng damdamin gaya ng damit na itim o puti, bandilang pula, dilaw na tali sa noo, kulat ng traffic lights (berde, dilaw,pula).

7. Simbolo. Ito ay tumutukoy sa mga nakikitang simbolo o icons sa ating paligid na nagpapahiwatig din ng mensahe na makikita natin gaya ng pambabae o panlalaki sa pintuan ng palikuran, bawal manigarilyo, may kapansanan, botelya ng lason, reseta ng doctor, mga tanggapan at iba pa.

Mga sangkap ng komunikasyon

Ang komunikasyon isang proseso at sa prosesong ito ay may mga sangkap. Naririto ang anim (6) na sangkap sa proseso ng komunikasyon at ang kakanyahan nito:

1. Ang Nagpapadala ng Mensahe . Maaring isa o pangkat ng mga tao na pinagmulan ng mensahe o tagapagbukas ng usapan. Sa kanya nagmula ang laman ng usapan maaaring siya’y bumabati, nagpakilala, nagpapaliwanag, naglalarawan, nagkukuwento atbp.

2. Mensahe. Ito ay ang kaisipan o ideya na ibinigay ng dalawang panig na kasangkot sa pag-uusap. Maaari itong berbal o di-berbal na mensahe upang mas mabigyan ng diin ang paghahatid ng mensahe ay sinasamahan ito ng paggamit ng mga kumpas ng kamay ekspresyon ng mukha at ibang senyales bukod sa paggamit ng wika.

3. Tagatanggap ng Mensahe. Tumutukoy ito sa taong binibigyan o pinapadalhan ng nasabing mensahe. Sa madaling salita siya ang magde-decode —ang pagpapakahulugan. Nakasalalay sa pag-unawa ang tugon sa kanyang natanggap na mensahe ayon sa kanyang layunin sa pagtanggap nito at ang kanyang kaalaman sa naturang mensahe.

4. Daluyan ng Mensahe o Tsanel. May dalawang kategoriya ng mga daluyan ng mensahe — ay ang daluyang sensori ito ay ang paggamit ng paningin, pandinig, pang-amoy, pandama at panlasa bilang paraan sa paghahatid ng mensahe, at daluyang institusyunal ay tumutukoy sa mga bagay gaya ng papel bilang sulatant, telegram, mga kagamitang pang elektroniko katulad ng kompyuter, cellphone, e-mail, fax machine atpb. (Bernales,2009,162)

5. Tugon . Ang ganting mensahe mula sa tagatanggap. Ito rin ay ang panibagong mensahe. Ang tugon ay maaring tuwiran, di-tuwiran at naantala. Ang iba’t ibang tsanel ay basehan kung anong uring tugon ang mangyari. ang tuwirang tugon ito ay nangyayari kung kailan nagaganap ang pag-uusap ginagamitan ito ng mga salita o mga pahayag o ideya patungkol sa paksang pinag-uusapan, dito napapaloob ang berbal na komunikasyon. Ikalawa ay di – tuwirang tugon, ginagamitan naman ito ng kumpas ng kamay,pagtango,pagtaas ng kilay, pag-iling, pagkaway ng kamay at ekspresyon ng mukha. Hindi ito maaaring mabisa kompara sa tuwirang tugon dahil maaaring magkaroon ng iba’t ibang enterpretasyon ang taong hinahatiran nito. Ang ikatlo ay ang naantalang tugon may mga tugon na nangangailangan ng mataas na panahon o sandali upang maibigay ito katulad ng pagpapadala ng sulat, resulta ng isang pasulit o pagsusuri

6. Mga Potensyal na Sagabal. Naiimpluwensyahan ng mga bagay o sitwasyon ang pakikipagkomumnikasyon at ito rin ay magdulto ng mga sagabal. Nauuri sa apat ang mga potensyal na sagabal:

1. Pisikal na Sagabal – kabilang dito ang ingay ng mga sasakyan, mga taong nagsisigawan sa loob ng palengke. Maaaring mga sitwasyon na dulot ng kalikasan gaya ng maalinsangang panahon,masyadong malamig na temperatura, hindi komportable sa kina-uupuan o kinatatayuan, masyadong maliwanag o madilim na lugar.Ang lahat ng ito ay maaaring nakapagdudulot ng sagabal sa komunikasyon.

2. Sikolohikal na Sagabal – ito ay mga bagay na nakakaapekto sa gawi at pag-iisip sa tagapagpapadala at tagatanggap ng mensahe katulad ng kinalakhang lipunan, pinag-aralan, mga nakagawiang paniniwala o kultura na nakapagdudulot ng biases sa pakikipag-usap.

3. Pisyolohikal na Sagabal. Ito’y mga sagabal na matatagpuan sa katauhan ng dalawang panig na kasangkot sa pakikipagkomunikasyon ang tagapagpapadala ng mensahe o sa tagatanggap ng mensahe. Ang kondisyon ng kanyang pangangatawan katulad ng suliranin sa paningin,pandinig o sa pagsasalita at ang mga iniindang sakit ay maaari ding makakasagabal.

4. Semantikang Sagabal. Ito ay matatagpuan sa mga pahayag o pangungusap na ginagawa ang pagpapakahulugan sa mga ito ay maaaring makapagbigay sagabal. Sa pagbuo ng mga pangungusap ay maaaring magtaglay ito ng tuwiran at di-tuwirang kahulugan. Ang hindi pagkakaunawa ng mensahe na dulot sa kakulangan sa bokabularyo ay semantikang sagabal.

Ang katagumpayan ng komunikasyon ay nakasalalay sa daluyan na pinili may angkop na daluyan na maaaring gamitin depende sa pag-uusap katulad na lamang sa isang seminar hindi puweding gamitan lamang ng boses ang nasabing pag-uusap gayong maraming nakikinig kailangan itong gamitan ng mikropono upang maging malinaw ang mensahing darating sa tainga ng tagapakinig kung pagsasabi naman ng isang sekreto kailangan lamang ang gumamit mahinang boses upang mapanatili ang nasabing mensahe.

MGA KASANAYANG PANGKOMUNIKASYON


1. Pakikinig

Ang pakikinig ay katumbas ng listening, samantala ang pandinig ay katumbas din ng hearing. Likas na kakayahan ang pandinig dahil ang tainga natin bilang bahagi ng ating katawan ay palaging nakabukas hangga’t wala itong problema. Nang binhiin ang sanggol at unti-unti tumutubo ang bawat bahagi ng katawan hanggang nakompleto ang bahaging tainga, umpisa na itong may kakayahang pandinig. Sinasabi ring ang sinumang namamatay ay may kakayahan pang makikinig. Ganoon na lamang ang kabuluhan ng pakinig. Sa ganitong pagkakataon, ang pakikinig ay isang susi sa pagkakatuto at dapat itong linangin. Isang mahalagang kakayahan upang matamo ang pang-akademikong kasanayan sa paggamit ng ng wikang Filipino.

Sa pamamagitan ng ating tainga na may auditory nerves na siyang nagdadala ng mga senyales patungo sa utak ay maipo-proseso ang anumang mga tunog na siyang bigyang kahulugan ng ating pag-iisip gamit ang ating natutunan. Sa ganitong proseso, ang pakikinig ay hindi mangyari kapag walang tainga na siyang dahilan sa kakayahang pandinig. Ang anumang nakasanayan nating gawain araw-araw at kung anumang urang kapaligiran ang ginagalawan, ito ang nagsisilbing humubog sa ating gawi at kakayahan sa pakikinig. Dahil sa hindi lahat na mga sitwasyon ay kaaya-aya sa pakikinig at hindi lahat mapakingkan ay kapaki-pakinabang sa ating katauhan, ang ating pakikinig ay nangangailanga ng disiplina. Ito ay ang sumasaklaw sa disiplinang pisikal at pangkaisipan. At upang matamo ito, kailangan ding pag-ingatan ang ating mga tainga.

Matiyak natin ang isang tao kung talagang nakikinig sa anumang mga impormasyon o mahalagang kaganapan sa paligid sa maraming paraan. Sa pakikipagkomunikasyon, ang isang tao ay nakikinig kung kaya niyang masabi uli ang sinasabi ng kausap, kaya niyang mahulaan ang mga nawawalang mga salita o kaisipan, kaya niyang mabubuo uli ang mga kaisipang nauunawaan at masabi ito uli sa kausap. O kaya naman, kung talagang nakikinig ang tao, kaya niyang magampanan ang kinakailangang tugon.

Sa paaalan, kailangan ang pakikinig ng mga diskusyon at mga tagubilin hinggil sa kalakarang pagtamo sa mga pangangailangag akademiko. Sa ganitong kalagayan, inaasahan na ang bawat estudyante ay may kakayahang makinig at magtanda. Ang pagtanda ay isa sa mga yugto sa proseso ng pakiking. Sa Mangahis et al(2005) ang proseso sa pakikinig ay:



Ang pakikinig ay ang prosesong may malaking impluwensiya sa pag-unawa at pagtugon. Ang pakikinig ay isang dahilan kung bakit kailangan ang komunikasyong pasalita—upang makuha ng tagapagsalita ang atensyon ng mga tagapakinig. Halimbawa nito sa pagpupulong, seminar, forum, argumento, at mga talakayan sa silid-aralan. Ito ang kaganapang prosesong transaksyunal sa pakikinig. Sa ganitong prosesong ay magaganap ang mismong pagtugon sa paraang pasalita o tugong di-berbal. Sa uring prosesong ito, kailangan ang disiplinang pangkaisipan o komprehensyon.

Ang pakikinig ay prosesong interpretasyon. Mula sa tunog na napakinggan, kailangan itong bigyang interpretasyon. Sa kasong tunog ng wika o pagsasalita, ang interpretasyon nito ay may iba’t ibang uri—interpretasyon sa intonasyon ng pagsasalita, interpretasyon ng mensahe, at interpretasyon sa imosyonal na katangian ng tagapagsalita. Bilang proseso, ang pakikinig ay hindi magaganap kung walang tagapagsalita. Ang prosesong ito ay puwedeng matingnan bilang magkakabit na proseso—pagsasalita at pakikinig. Ito ang tinatawag na oracy. Ang prosesong ito ay nagmula sa tagapagsalita patungo sa tagapakinig na pabalik-balik.



Mga Salik sa Pakikinig

Maraming manunulat ang naglalahad na ang , lugar, oras, tsanel, edad, kasarian, kultura, kaalaman, at gawi ng tagapagsalita ay mga salik sa pakikinig. Sa Bernales et al(2002), ang mga ito ay nakaimpluwesiya at mga sagabal sa pakikinig. Ang pag-alam sa mga ito ay nakakatulong upang mapabisa ang pakikipagkumunukasyon at mapanatili ang mga kalakasan sa pagkikinig.

1.Lugar. Ang lugar ay puwedeng tahimik, malalawak at kaaya-aya. Sa sitwasyong ito ang sinuman ay magkakaroong ng positibong kondisyon sa pakikinig.

2. Oras. May mga oras na ganadong-ganado ang isang tao at may kapasidad sa pagkikipag-interaksyon. Kapag nasa tamang oras ang pakikinig tiyak , kapakipakinabang ito at magbunga ng magandang pangyayari.

2.Tsanel. Maaring nakaaapekto ang kaparaanan sa pagpapadala ng mensahe na maaaring may kinalaman sa tagapagsalita o kaya’y mga bagay na ginagamit sa pagsasalita. Kapag aktwal na nagsasalita ang pinakinggan na may katamtaman boses madali itong mauunawaan, at sa parehong kalagayan ang sinumang gumagamit ng mikropono na may mabuting kalidad ay malinaw pakinggan. Ang mikropono ay halimbawang tsanel.

3.Edad. Magkaibang interes ang mga taong may agwat sa edad. Ang bata at ang matanda ay hindi magkakaroon na katulad ang kapasidad sa pag-iisip. Ang bata pa ay hindi masyadong makaunawa sa mga komplikadong kaisipan kaysa matanda na. Nagtataglay din ng mataas na EQ ang nasa katamtamang edad kaysa bata pa.

4.Kasarian. Ang babae at lalaki ay magkaiba ng iteres. Maaring ang tungkol sa larong boxing,, paglalaro ng basketball, at iba pang mapuwersang gawainay mahuhumalingan ng mga lalaki kaysa babae. Ang tungkol naman emosyon, kagandahan, pag-ibig ay maaring lalong kahuhumalingan ng mga babae. Ang tungkol naman sa mga kaguwapuhan at pagtatanghal ay maaring lalong nagbigay kawilihan ng mga bakla. Magkaiba ang hilig ng lalaking-lalaki at ang lalaking bakla.

5.Kultura. Kahit iisang bansa lamang napapabilang ang mga Pilipino, may iba-iba pa rin kulturang kinagisnan. Sa pakikinig, ang kulturang may kinalaman sa wika at intonasyon sa pagsasalita ay may malaking dulot sa komunikasyon. Ang kultura ay dahilan kung bakit magkaiba ang pag-unawa at gawing maipapakita sa pakikinig.

6.Kaalaman. Dito masusukat ang karunungang taglay ng bawat isa dala nito sa iba’t ibang pag-aaral at karanasan. Ang anumang kaalaman ay naghahatid sa madaliang pag-unawa sa mga napakinggan sa mga aspektong pang-impormasyon. Ang nakapag-aral ng pormal ay tiyak maraming napag-alaman, at updated rin sa kaalaman at pagbabago ang taong expose sa iba’t ibang sitwasyon at transaksyon.

7.Gawi ng tagapagsalita. Sa anumang kaganapang nangangailangan ng pakikinig, may malaking kinalaman ang sinumang nagsasalita. Ang may malinaw na boses, ang tuloy-tuloy magsalita, at ang magtatalakay ng mga impormasyon tumutugon sa kapakanan at kawilihan ng nakararami ay siyempre makakuha ng atensyon ng tagapakinig. Isang kapangyarihan ang boses na nakakaenganyo at maganda sa pandinig at nagtataglay ng unique na katangian. Si Jessica Sojo, Kara David, Korina Sanchez at iba pang mga batid sa pamamahayag ay may taglay nito.

At, ano nga ba ang iyong pansariling gawi sa pakikinig?


Layunin ng Pakikinig


Sa Bernales et al(2002:147), at Mangahis et al (2005:179) inilalahad ang antas at uri ng pakikinig na nagpapahiwatig tungkol sa layunin ng pakikinig. Ang uri ng pakikinig na may mga layunin ay itatalakay sa aklat na ito, at ito ang mga sumusunod:

Sa layuning pang-aliw, pinagtuunan dito ang paghanga, at pagdama sa kagandahan ng anumang kaisipan upang magkakaroon ng matugunan ang pangkasiyahang pangangailangan. Halimbawa nito ang pakikinig ng paboritong musika, pakikinig ng drama at iba pa.

At, ang pakikinig ng balita, pakikinig ng mga diskusyon tungkol sa mga kaganapang panlipunan, at pakikinig ng talakayan sa klase at iba pang pang-akademikong pagtitipon ay halimbawa sa layuning pangkaalamang mapakinabangan. Ito ay isang uring kritikal na pakikinig kung saan ang mga kaalamang natutunan ay naglalarawan sa mga penoma sa kapaligiran.

May mga pakikinig na mapanuri naman na naglalayuning ang pangtuklas ng mga kaisipan na maaaring hindi pa lingid sa iba. May mga panahong masusuri ang mga impormasyon—totoo ba o hindi, ano ang impact nito sa mga natatamaan, suriin kung gaano ka balido ang mga argumento at mga katibayan, ano ang mga pinagbabatayan sa paglalahad ng mga kaisipan, o makatuwiran ba ang mga pahayag.

Samantala, ang layuning makabuo ng bagong konsepto ay ang pakikinig na makapagbuo ng implikasyon—-ibig sabihin upang direktang maiaplay ito sa sariling sitwasyon. Isa iton uring paggamit sa mga kaalamang natutunan. Mahalaga ang uring pakikinig na ito dahil makikita palagi ng tagapakinig ang sariling katayuan mula sa mga ideyang napag-alaman, natuklasan, nahahangaan at iba pa.

Ngunit, sa anumang uring pakikinig hindi pa rin maiiwasan ang paggamit nito para sa sariling pag-unawa—-ito ay ang layuning pangsikolohikal. Pinagtuunan nitong pansin ang anumang mga sitwasyon at kaisipang maaring hindi madaling maibahagi sa iba. Maaring sa pakikinig nito ay maunawaan nang mabuti ang sariling ikinikilos, ang sariling pag-unawa, at sariling kakayahan sa pagkikisalamuha at lalong lalo ang pakikipagrelasyon ng tao sa kanyang Tagapaglikha, at isa mga dasal ni St. Francis of Asisi God, speak to my heart and I will listen”.

Sa kabilang banda, kakaibang layunin ang pampalipas-oras, dahil sa mga pagkakataong nagbibiyahe at hinihintay kung kailan aabot sa destinasyon talagang mangyayari ito. Sa ganitong uring pakikinig binibigyang tuon ang pagkakontento ng sarili upang hindi mababagot lalo sa mga hindi mapakali kung walang gagawin. Sa ganitong paraan ay mapalagay ang sinuman sa mabawas ang pagkakaroon ng axiety. Ito ay pakikinig na impormal.

Mga kaaya-ayang Gawi Bilang Isang Tagapakinig


Isang tatak ng pagka-Pilipino ang pagiging mapipitagan ito ay nakakatulong upang matugunan natin ang likas na kagustuhan ng tao na mapakinggan. May mahiwagang hatid ang mapakinggan ang kaiispan ng bawat isa. Maaring magbibigay ito ng isang malaking kasiyahan at mapanatag ang sarili. Ang pakikinig ay isang susi sa kapayapaan. Hindi lamang ito pang-akademikong kakayahan. Halaw sa Tumangan Sr. (2000: 76), naririto ang mga kaaya-ayang gawi sa bilang tagapakinig sa harap-harapang sitwasyon:

1. Kilalanin ang mga salita upang matiyak ang pagpapakahulugan nito

2. Makipagtulungan sa kausap sa paglilinaw ng mga mensaheng nais ipaabot.

3. Unawain muna ang kabuuang impormasyon bago maghahatol o magpapasya

4. Kontrolin ang sarili tungo sa mga tugong pang-emosyunal

5. Lalong pagtuunan ang mensahe

6. Unawain ang estruktua ng mensahe

7. Hintaying matapos ang tagapagsalita bago magbigay tugon.

Sa tahanan, sa trabaho, sa simbahan at saanmang lugar at sitwasyon mahalaga ang pakikinig. Sa tahanan, ang pakikinig ay susi sa pagkaiintindiha. Sa trabaho naman, ang pakikinig ay iwas sa mga kamalian at gabay sa maayos at epektibong pangkalahatang kakayahan. Sa simbahan, ang pakikinig ay susi sa pag-alam ng mga mabubuting gawi at kaasalan tungo sa tao at pagpapatibay sa pananampalataya, at sa paaralan, ang pakikinig ay isang paraan upang makakuha ng mataas na marka sa class standing at higit sa lahat umaani ng pagkakatuto. At, sa komunikasyong akademikong Filipino, ang pakikinig ay susi upang lumalawak ang kaalaman tungkol sa paggamit ng wikang Filipino upang matamo ang tama at mabisang komunikasyon.

2. Pagsasalita


Ang pagsasalita ay kilos o paraan ng pagbikas ng salita at pangungusap at pagbigkas ng talumpati (UP Diksyonaryo 2010) at ito ay sa layuning mapakinggan. Sa akademiko, isang matinding layunin ang mahubog ang mga estudyante tungo sa kritikal na tagapagsalita. Ang pag-uulat, ang pagtatanghal at iba pang gawaing pagkakatutuo ay mga paraan upang matamo ng bawat estudyante ang kasanayan upang sa darating na araw maging epektibo sa transaksyonal at interaksyonal na komunikasyong berbal. Ang mga pormal na gawaing pangkomunikasyon ay sukatan sa mabisang pagsasalita gaya ng seminar, forum, panayam at iba pa. Upang hindi malayong makamit ang pagiging mahusay na tagapagsalita ay kailangang magsanay at palakasin ang mga angking kasangkapan sa pagsasalitang transaksyonal at interaskyonal. Pantay-pantay ang lahat na taong walang kapansanan sa kasangkapan ng pagsasalita ang tinig, tindig, galaw, at kumpas ng kamay upang lalong mapabisa ang pagsasalita. Ang tinig ay nakakaenganyo sa mga tagapakinig. Maaring dahil sa tinig lalong mabibigyang diin ang mga mahalagang kaisipan at magtataglay ng kakintalan. Kailangan ding kontrolin ang tinig na naaayon sa dami at katangiang ng tagapakinig. Sa tindig naman ay maipakilala ang kapita-pitagan, at ibang makaagaw pansin tungo sa mga tagapakinig. Magsisilbi itong koneksyon upang ipagpatuloy ang pakikinig—kaya nakasalalay din sa tindig ang tamang postura at angkop na pananamit. Ito ay kailanganin sa pormal na pagsasalita. Magawang makalikha ng imahen sa isipan ang mga tagapakinig kung ang pagsasalita ay sinasabayan ng galaw. Ang anumang damdamin ay puwedeng maisalarawan sa galaw na maaring makikita sa pagpapagalaw ng mata at kabuuang ekspresyon ng mukha. Hanggat kaaya-aya ang anumang paggalaw ay makatutulong sa pagsasalita. May mga konseptong kayang ipahayag sa kumpas. Ang bawat kumpas ay maaring sumasagisag sa mga mensaheng nais ihahatid sa pagsasalita. Sa Marquez, Jr. at Garcia (2010) ang kasangkapan ng mabisang pagsasalita ay ang kaalaman, tiwala sa sarili, at kasanayan. Sa mga bagay na ito, ang bawat isa ay may kanya-kanya nang kakayahan. Ito na ang kadahilan kung bakit ang mga pahayag ni Abraham Licoln noong March 4, 1861 ay walang kamatayan. Dinala rin si Franklin Roosevelt sa tugatog ng politika dahil sa kahusayan at kagalingan sa pagtatalumpati. Sa klasikal na panahon, nasungkit din ni Demosthenes ang korona sa pananalumpati kahit pautal siyang magsalita dahil sa palaging pagsasanay, at ipinamalas din ni John F. Kennedy ang kahusayan sa pagtatalumpati na tumalo kay Nixon. Ang mga kuwentong ito ay totoong naglalarawan na ang bawat isa ay may potensyal sa pagsasalita at mahalaga ang pagsasanay. Ang kaalaman ay susi tungo sa pagiging kritikal na tagapagsalita. Ang sinumang nanalo sa debate, ang sinumang nagsasalita na nakapupukaw sa mga kaisipan ng mga tagapakinig ay ang kritikal na tagapagsalita. Kung paano pinapalakpakan ang sinumang nagsasalita ay iyon ang tatak ng kritikal na tagapagslita. Lalong-lalo na kung ang tagapagsalita ay nagbibigay-diin sa mga kaisipang may kinalaman sa pangkasalukuyang kaganapan at hindi lamang sa mga teorya. Nahahasa ang kakayahan sa pagsasalita ng isang tao kung siya ay nakakaranas ng mga gawaing pagsasalita tulad ng: pagtatalumpati, pagdebate, pakikipag-usap, pakikipag-usap, pakikipanayam , at pangkatang talakayan.


3. Pagbasa

Ang pagbasa ay hagdanan sa pagkatuto sa anumang wika, at ang pag-aaral sa pagbasa sa antas ponolohiya ay lalong nagdudulot sa pagkakaunawa sa kalikasan ng wika. Maaring paiba-iba ang antas sa pagbasa ng unang wika((L1) at sa pangalawang wika (L2). Ngunit sa kaso ng pagkakatuto ng pagbasa sa wikang Filipino, hindi ito malaking suliranin dahil ang wikang Filipino ay madaling matutunan. Upang lalong maunawaan ang kalikasan ng naririto ang iba’t ibang pananaw tungkol sa pagbasa:

1. Ayon kay Frankt Smith, 1973 (sa Buendicho, 2007), ang pagbasa ay prosesong komunikasyon sa paghahatid ng impormasyon sa pamamagitan ng isang midyum patungo sa tagatanggap. Ito ay pagpapalitan ng mensahe sa pagitan ng dalawang panig, ang manunulat at ang mambabasa.

2. Ayon naman kay Ken Goodman, 1976 (sa Badayos, 1999), ang pagbasa ay isang “psycholinguistic guessing gamekung saan ang mambabasa ay nagbubuong muli ng isang mensahe o kaisipang hango sa tekstong binasa. Ang gawaing ito ay ng pagbibigay kahulugan ay isang patuloy na prosesong siklikal buhat sa teksto, sariling paghahaka o paghuhula, pagtataya, pagpapatunay, pagrerebisa, at iba pang pagpapakahulugan.

3. Sa elaborasyon ni Coady (1967, 1971, 1976) sa kahulugan ni Goodman, tinatampok niya ang dating kaalaman ng tagabasa ay maiugnay niya sa kanyang kakayahang bumuo ng mga konsepto/ kaisipan at kasanayan sa pagbuo sa pagpoproseso ng mga impormasyong masasalamin sa teksto . Ang dating kaalaman ay may malaking tulong sa mabilisang pag-unawa sa binasa.

4. Simple at madaling maintindihan ang kaisipan ni Urquhart at Weir (1998), na nagsabing “ang pagbasa ay isang proseso ng pagtanggap at pag-interpreta ng mga impormasyong nakakoda sa anyo ng wika sa pamamagitan ng nilimbag na midyum “ (sa Arrogante et al,2007).

5. Samantala, sa pagpapakahulugan ni Tumangan, Sr.(1997), ang pagbasa ay interpretasyon ng mga nakalimbag na simbolo ng kaisipan. Pagpapakahulugan ito ng mga nakatitik na sagisag ng mga kaisipan. Sa puntong ito, matitiyak na ang pagbasa ay isang gawaing nangangailangan ng talas ng paningin at kaalaman sa mga simbolong pangwika bilang midyum sa komunikasyon.

Kapwa nababanggit ang mga katawagang interpretasyon o pagpapakahulugan sa mga nilalahad na mga kahulugan sa itaas, ito ay tumutukoy sa kaisipang ang pagbasa ay isang prosesong pangkaisipan dahil ginagamit ng mambabasa ang pag-uunawa, at hindi naman nababanggit ang tungkol sa pagbasa ng teksto na nakasulat sa ibang wika bukod sa pagbasa gamit ang unang wika, kaya masasabi dito na ang pagbasa ay dumaan sa prosesong pagsasalin bago mangyayari ang papapakahulugan kung ang teksto ay nailalahad sa ibang wika.

At, mula sa mga kahulugang inilalahad sa itaas, ito’y tumutukoy sa kaisipang ang pagbasa ay ang gawaing pagkilala sa mga simbolong pangwika, pagsasalin nito at pagkuha sa mga mensaheng napapaloob sa pahayag na ang pangunahing layunin ay upang maunawaan ang buong teksto. Ito ay nagsasaad ng isang komplikadong gawaing pangkaisipan sapagkat sanga-sangang mga kasanayan ang mga kinakailangan nito gaya na lamang sa kasanayang pangwika at semantikang kaalaman.


Komplikadong gawain ito dahil sangkot dito ang maraming kasanayan sa panig ng mambabasa mula sa pisikal patungong sikolohikal at iba pang mga aspekto. Bilang isang komplikadong gawain, ito ay isang mahalagang kakayahang pang-akademiko na dapat maunawaan at linangin ng mga estudyante, at sa paglilinang nito, dapat munang maunawan ng sinuman ang kanyang sariling kakayahan sa pagbasa.


Sa pag-unawa sa binasa bilang prosesong pangkaisipan, maraming mga paliwanag ang nakakatulong upang lalong mapapamahalaan ng bawat isa ang sarili kung paano unawain ang binasa. Ayon kay William Gray (Arrogante, et al, 2007 at Pangkalinawan et al, 2004), ang pagbasa ay pagkuha ng ideya sa nakalimbag na simbolo, at ito ay isang prosesong pag-iisip na may apat(4) na hakbang sa pag-unawa—-persepsyon, komprehensyon, aplikasyon at integrasyon o asimilasyon. Sumuporta dito ang pahayag ni Thorndike (sa Buendicho, 2010), na “reading is reasoning”. Sa pahayag na ito, malinaw na nagsasaad na ang pagbasa ay sumusukat sa pag-iisip at pag-unawa ng mambabasa gamit ang kanyang iba pang mga kakayahan.


Hindi lamang sa pangkarunungang aspekto makikita ang kahalagahan ng pagbasa, ngunit ito ay makikita sa kabuuang aspekto sa paghubog ng buhay. Sa aklat na Filipino 2-Kalatas ni Garcia et al(2008:3-4) tinatalakay ang halaga ng pagbasa tungo sa isang tao batay sa kaisipan ni Lord Chesterfield, “ na nagsasaad “ang isang taong nagbabasa ay isang taong nangunguna”. Walang alinlangang ito’y totoo saanmang disiplina ang pag-uusapan. Lagi nang nakakalamang ang mga tao kapag nagsasalita kung may batayan ang kanyang sinasabi sapagkat ang mga ito’y nailimbag na at tinatanggap na ng higit na nakararami. Madaling makapag-isip ang tao kapag siya ay palaging nagbabasa ng iba’t ibang impormasyon, at para sa mga estudyante walang puwang ang kawalan ng kaalaman sa tiyak na asignatura kapag magbabasa lamang. Madaling makapag-isip ang tao kapag siya ay palaging nagbabasa ng iba’t ibang impormasyon, at pag-iisip na ito, hindi malayong masasala ng tao ang mga mahahalagang kaalaman na magagamit sa praktikal sa buhay, at para sa mga estudyante walang puwang ang kawalan ng kaalaman sa tiyak na asignatura kapag magbabasa lamang. Ayon panulat ni Crus, et al(2002) mahalaga ang pagbasa sa buhay ng tao lalong higit sa pagharap natin sa hamon ng globalisasyon.

Mga Uri ng Pagbasa Ayon sa Layunin

Bilang pangangailangan ang pagbasa ay mauuri sa dalawa, ang pagbasang malakas at pagbasang tahimik. Ang pagbasang malakas ay kaugnay sa pasalitang gawain. Mangyari ito sa lipunan gaya ng mga seminar, pagpupulong at iba pa. Layunin ditong mapakinggan ang mga mahalagang impormasyon na sumasagot sa kapakanan sa mga kinasasaklawang indibidwal. Ayon kay Badayos(1999)“kaya nga, kung ang pagklase ay nakapokus sa pagbabasa nang malakas, mananaig sa isipan ng ilang mag-aaral na ang pagbasa ay pasalita.

Ang pagsabang tahimik naman ay mangyari personal. Dito na makilala ang iba’t ibang mga layunin. Sa tunay na buhay, ang sinuman ay nagbasa dahil makalikom ng impormasyon at ang mga impormasyon ay may iba’t ibang paggagamitan.

Sa pangkalahatan, batay sa mga karanasan ng tao, ang pagbasa ay may layuning (a) pang-kaalaman tungo sa karunungan (b) pangkaalaman tungo sa pagbibigay solusyon sa mga suliranin, at (c) pangkaalaman upang malilibang o maaaliw.

Pangkaalaman tungo sa karunungan. Ang ginagawa ng mga estudyante na pagbasa sa mga batayang aklat, ang pagbasa ng guro ng iba’t iban sanggunian, ang pagbasa ng abogado ng isang batas at kaso, at iba pa ay mga halimbawa nito. Ganundin ang mga pasyente ay magbasa nang magbasa tungkol sa mga uring sakit na maaring ipinapaliwanag ng doktor.

Sa pagkakataong ang sinuman ay nagbabasa ng pahayagan, diksyonaryo, encyclopedia, Bibliya, Koran at iba pang mga banal na kasulatan ay isa ring dagdag kaalaman at nagbibigay karunungan. Kailangan ding magbasa ng mga tagubilin o paalala sa madla, direksyon, panuto at iba pang mga patnubay upang lalong magkakaroon ng kaalaman na kinakailangan bilang isang mamamayan at may karapatan at paninindigan. Dahil sa uring layunin sa pagbasang ito, ang tao ay madaling makikisalamuha sa iba at matatawag siyang maalam.

Gaya na lamang ng isang taong nagtataglay ng isang tanong sa isipan kung ano raw ang madarama ilang minuto pagkatapos mabawian ng buhay—kaya ang taong ito ay naghanap nang naghanap ng aklat tungkol dito hanggang nakabili siya ng aklat na may pamagat na “One Minute After You Die” ni Erwin W. Lutzer. Kaya sa ganitong pagkakataon nasagot na ang kanyang mga katanungan.

Sa uring pagbasa na ito ay mangyari ang pagbasang kritikal, pagbasang paunlad, pagbasangmapanuri, at pagbasang makalikom ng impormasyon o pagbasang pananaliksik.

Pangkaalaman tungo sa pagbibigay solusyon sa mga suliranin. Naging epekto ang kasabihan ni Kuya Kim sa ABS-CBN na “ang buhay ay weather weather lang”. Maaaring ang kahulugan nito ayon kay Kim Atienza ay tungkol sa panahon—-ngunit ito ay isang uring makahulugan na pahayag na may kinalaman sa mga suliraning maaring kahaharapin ng sinuman. Ang mga suliranin sa buhay ay tiyak may mga solusyon. Maaring hindi ito makikita agad o maririnig agad sa mga payong kaibigan ngunit kung magbasa maaaring maliliwanagan ang sinuman. Maraming nagbabasa upang makakuha na impormasyon na magagamit sa pang-araw-araw na sitwasyon. Ang pagbabasa ng mga kaalamang maiaplay sa pagpapanatili sa kalusugan, paglusot sa batas, paghahanap ng katarungan, pag-aasenso sa buhay, pag-alam sa mga sagot sa katanungan ( kailangan sa pagsali ng mga quiz event), pagpapataas ng moralidad, pagpapatibay sa paniniwala at sa pagkikipagkapwa-tao. Maaring isa sa mga ito ang hinahanap ng mga tao. Isang halimbawa nito ang isang ina na may anak na may leukemia—ang kalagayang ito ay isang matinding suliranin. Kaya siya ay nagbasa nang nagbasa hanggang sa internet at sa wakas nahahanap niya ang tungkol sa Stem Cell at napag-alaman niya na sa pamamagitan ng cord blood ay magagamot na ang kanyang anak—ang ginagawa na lamang niya ay naghihintay kailan manganganak upang magagamit ang stem cell mula sa inunan na i-transplant sa kanyang anak na may leukemia.

Pangkaalaman upang malibang o maaliw. Ang pagbabasa ng comics, kuwento, at iba pang mga lathain o materyales bilang pampalipas oras ay napapabilang nito. Maaring mga nakakaaliw na babasahin na patok sa panlasang pinoy lalong lalo na ang mga katatawanan o hanggang bumusog ito sa interes ng mambabasa, nakapagpaganyak sa paglalakbay-diwa, nakakatupad sa mga ninanais sa buhay at iba pa dahil kung mangyayari ito dito na matamo ang layuning paglilibang o pang-aliw. Minsan may mga babasahin na nangangailangan ng mataas na antas ng pag-unawa upang maunawaan hanggang magdudulot ito ng katatawanan kaya sa pagbasang may layuning maaliw o malilibang ay kailangan pa rin ang pag-unawang malalalim. Ang kaisipang pampolosopiya, mangmatematika at iba pa na magiging paksa sa binasa ay kailangan ng sapat na impormasyon upang magdulot ng katatawanan—sa layunin ding ito mahahanap ang mga materyales na mapanghamon. Kaya dahil walang magawa ang mambabasa ay maghanap ng mga babasahin na dahil walang magawa “at least” nahahasa pa rin ang pag-iisip.


Nasa mataas na antas ng pag-unawa upang maunawaan hanggang magdudulot ito ng katatawanan kaya sa pagbasang may layuning maaliw o malilibang ay kailangan pa rin ang pag-unawang malalalim. Ang kaisipang pampolosopiya, mangmatematika at iba pa na magiging paksa sa binasa ay kailangan ng sapat na impormasyon upang magdulot ng katatawanan—sa layunin ding ito mahahanap ang mga materyales na mapanghamon. Kaya dahil walang magawa ang mambabasa ay maghanap ng mga babasahin na dahil walang magawa “at least” nahahasa pa rin ang pag-iisip bukod sa paglalakbay-isip.

Bilang paglibang sa sarili sa pamamagitan ng pagbabasa, maaring magbabasa ng kuwento, mga balita at iba pang tungkol sa pangkabuhayan, pang-ekonomiya, pangmoralidad, at mga akdang likhang isip.

Mga Estratehiya sa Pagbasa Tungo sa Pagbasang Analitikal


Hindi simpleng gawain ang pagbasa dahil hindi lamang ito hanggang makilala ang mga simbolong pangwika ngunit ang pinakalayunin nito ay makuha ang mensaheng hatid ng manunulat— nangangahulugang mahalaga ang pag-unawa:

Reading is a complex act for humans (Dechant, 1991) outlines, it is very visual process that begins one’s ability to use one vision to interpret graphic symbols. Reading requires a great visual acuity. To read one must be able to visually distinguish each letter, have a visual memory for each letter, and recode those letters so that one can recreate the letters, pronounce the letter, or associate sounds with letters… This is the essence of reading comprehension (Stephanie Macceca, 2007: 4)

At, para maging magaan ang sinumang mambabasa ay may pansariling paraan din upang matamo ang mga layunin sa pagbasa na dagdag pa ni Macceca, 2007: 4):

Good readers are strategic readers who actively construct meaning as they read; they monitor their own comprehension by questioning, reviewing, revising, ang rereading to enhance their overall comprehension.

Kung anumang paraan ng isang mambabasa upang matuklasan ang bawat kahulugan ng mga salita ayon sa paggamit ng manunulat ay ang tinatawag na pagbasang analitikal, at ang bawat estudyante ay inaasahang magtamo sa uring gawi na ito sa pagbasa. At, naririto ang iba’t ibang kaparaanan sa pagbasa na siyang magagamit sa mga estudyante sa pag-aaral sa iba’t ibang asignatura at upang makamit ang hinahangad na matataas na marka nang sa ganun kahimut-an sa mga taong nagsusubaybay sa kanya. Naririto ang mga kaparaanan o teknik na angkop sa pagbasa ng mga tekstong pang-agham na hango sa iminumungkahi ni Wiriyachitra(1982) sa panulat ni Dr. Buendicho (2007:4-5):

1.) ISKIMING. Ginagamit ito sa pagpili ng aklat o materyal ayon sa pangangailangan. Sa kaparaanang ito ay mangyayari ang previewing., ang mambabasa ay magtangkang mag-alam kung ang nilalaman ng aklat o impormasyon ng isang materyal ay nagtataglay ba ng mga impormasyong hinahanap; overviewing., alamin ng mambabasa ang layunin at saklaw ng babasahin kung ito ba ay ayon sa kanyang kawilihan o interest ; at, survey, alamin lamang ng mambabasa ang panlahat na kaisipan ng isang aklat o materyal sa pamamagitan ng mga iilang impormasyon ng aklat na mababasa sa likod na pabalat. Kung sa isang tiyak na materyal naman mababasa ito sa bahaging konklusyon o pangwakas na bahagi.

2.) ISKANING. Mabilis na galaw ng mata, matamo ito sa pamamagitan ng pagsipat sa bawat pahina ayon sa hinahanap na mga tiyak na impormasyon tulad ng pangalan ng tao, petsa, katawagan at iba pa. Kailangan alam ng mambabasa ang mga susing kaisipan at basahin lamang ang mga tiyak na talata o bahagi.

3.) KOMPREHENSIBO. Masaklaw at , mapamigang pag-iisip at nakakapagod dahil maraming hiwalay na gawain ang pwedeng mangyari tulad na lamang ng pagsusuri, pagpupuna, pagpapahalaga, pagbibigay reaksyon o anupamang mga pagtataya sa binabasa. Kailangang isa-isahing basahin ang mga detalye hanggang maintindihan itong mabuti. Sa kaparaanang ito ay masisiguro na lubos na maunawaan ang mga aralin ( Arrogante, et al, 2007: 52-54).

4.) KRITIKAL. Ang ebidensiya at kawastuan ang pinagtuunan sa pagbasang ito. Mangyari ang pagsasanib ang sariling mga kaisipan o konsepto , sa buong pagkatao upang magamit ito sa karunungan, asal, gawi at maisasabuhay nang may pananagutan at naglalayuning makalikha at makatuklas ng mga panibagong konsepto na kakaibang anyo na maisasanib sa kapaligirang sosyal at kultural.

5.) MULING-BASA. May mga babasahing nagtataglay ng maraming kaisipan, kaya nga ang pagbabasang muli ay mangyari, dahil may mga babasahin o teksto na sa unang pagbasa ay hindi agad maintindihan, kapag pauli-ulit ang pagbasa ay lilitaw na ang mga natatagong kaisipan. Kailangang paulit-ulit upang matuklasan ang hindi pa natanto. Isa itong mahalagang kaparaanan sa pagsasagawa ng pananaliksik at sa mga klasikal na materyales. Sa pagbasa ng mga teknikal na teksto at pampanitikan ay kailangan ang muling basa.


3. Pagsulat

Matingnan ang mga maykrong kasanayan sa pagsulat mula sa kabuuan ng pisikal na katauhan. Mula sa mga daliring may kakayahang humawak ng mga kagamitang panulat o maaring pumindot ng keyboard ng computer o sa typewriter hanggang sa paggamit ng paningin upang masuri kung ang mga simbolong inililimbag ay tumpak ba sa daloy ng kaisipan ng manunulat, at hanggang maganap ang iba’t ibang dimension sa pag-iisip tungo sa iba’t ibang aspeto tulad na kaalamang ng kaalamang lingguwistika, Kakayahang sa paggamit ng mga estratehiyal, kasanayan sa pagpapakahulugan ng mga salita, kaalamang sosyo-lingguwistika, kakayahang diskorsal at kaalamang pansemateka. At, sa aklat nina Alcantara, et al(2003:169), inilalahad nila ang sumusunod:

According to Peck and Buckingham(1976) , writing is an extension of language and the experience that the learner already has or that which he acquired through his listening, speaking, and reading activities and experiences .

Malinaw na inilalahad nina Peck at Buckingham na ang pagsulat ay isang produkto ng mga karanasan at mga natutunan, ang maging madaling maglalahad ng mga kaisipan kapag may mga natutunan at nararanasan mula sa napakinggan, pakikisalamuha; at pagbasa at panonood.

Ang pagsulat ay isang prosesong pagtatala ng mga karakter sa isang midyum na may layuning makabuo ng mga salita (Alejo , et al (2008: 128). Sa pahayag na ito, nangangahulugang sa pagsulat ay makikita ang anyo ng wika mula sa mga salita tungo sa pagbuo ng mga pangungusap hanggang sa mga talata dahil sa pagdaan ng panahon, ang iba’t ibang sibilisasyon ay may iba’t ibang sistema sa pagsulat. Iba’t ibang kakanyahan sa pagbuo ng kaisipan gamit ang simbolong nakasanayan. Pinangimbabaw naman ni Bernales, et al,2001(sa Bernales, 2009:60) ang kaisipang inilipat sa anumang kagamitang pagsulat sa kanyang pahayag na ang pagsulat ay pagsalin sa papel sa anumang kasangkapang maaring magamit na mapagsalinan ng mga nabuong salita, simbolo at ilustrasyon ng isang tao o mga tao sa layuning maipahayag ang kanyang/kanilang kaisipan. Samantala, tinutukoy ni Mangahis et al(2005) na ang pagsulat ay isang artikulasyon ng mga ideya, konsepto, paniniwala, at nararamdaman na ipinapahayag sa paraang pagsulat, limbag, at elektroniko. Ang pagsulat ay binubuo ng dalawang yugto—-ang yugtong pag-iisip at yugtong nahuhulma . Magkakambal ang dalawang yugto na ito.

Ang pagsulat ay nangangailangan ng puspusang disiplinang mental at konsiderableng antas ng kaalamang teknikal at pagkamalikhain (Bernales et al 200). Ang tinuturing ditong disiplinang mental ay ang pag-iisip at pag-oorganisa ng mga dalumat upang magkakaroon ng ugnayan sa bawat isa at paggamit ng mga tiyak na salita upang matamo ang mabisang pagpapahayag. Hindi sapat ang kaalaman sa paggamit ng diksyonaryo at mga alituntuning panggramatika ngunit kailangan pa ang konsiderasyong sosyo-lingguwistika at iba pa. Sa mga estudyante, isang mahalagang gawain ang pagsulat dahil, isa itong paglinang sa kaisipan upang lalong matalos sa darating na panahon. Dito masusukat ang kakayahan ng isang estudyante tungkol sa kaalaman ng mga asignaturang pinag-aralan. Ito’y nangangahulugang isang kailangan, at bukod pa rito, ang anumang napagtagumpayan sa pagsulat ay magdudulot ng kaligayahan.

Sa pangkalahatan, maramingmagangandang bagay ang matatamo gaya na lamang sa mga sumusunod gaya ng nagpapalawak at nagpapalaganap ng mga impormasyon, nagpapalawig sa kultura at kabihasnan, nagpapadali sa mga transaksyong panlipunan, nagpapatibay ng batas at lagda, nagpapalawak sa kalamang agham at teknolohiya; at nagbibigay lunas sa mga suliranin. Napatunayan sa pag-aaral ni Baquial(2012) sa mga komposisyon ng kanyang mga estudyante na maraming kalakasan ng pagsulat kaysa kahinaan, at ang kahinaan ay tumatampok sa mga aspektong mekaniks, at estruktura ang elemento nito.



Paglinang sa Kasanayang Pagsulat


Ang pagsulat ay nangangailangang ng panahon upang matapos, ang kakayahan sa pagsulat din ay nangangailangan ng pagsasanay upang matamo ang tiyak na gawing kailanganin sa gawaing pagsulat. Sa kasong Filipino, kailangang matutunan ang mga iilang alituntunin upang magkakaroon ng mga mabisang pagpapahayag sa pasulat na paraan bilang isang kaparaanan na matuklasan ang sariling kakayahan sa aspektong pakikigpag-ugnayang sosyal at kakayahang pang-akademiko na maisasagawa ang analitikal at kritikal na pagsulat. Sa pagsasagawa nito ay nangangailang makasunod ng mga pamantayan sa pagsulat na may kinalaman sa kakayahang lingguwistika, kakayahang estratehikal, kakayahang sosyo-lingguwistika at kakayahang diskurso.

Batay sa mga karanasang pagtuturo ng mga may-akda ng aklat na ito, ang mga sumusunod ay maaaring gawing tandaan upang matamo ang analitikal at kritikal na pagsulat:

· May kapaki-pakinabang na tema, layunin at paksa

· Lohikal na pagkasunod-sunod ng mga kaisipan

· Malinaw ang mga kaisipan ng bawat pangungusap

· May kaisahan ang bawat talata

· Tamang gamit at pili ng mga salita

· Nagagamit ang tumpak na ortograpiyang Filipino

· Wastong paggamit ng mga bantas

· May kompletong bahagi ang tekstong hinuhulma

· May kakintalang nabuo sa pangwakas na bahagi

Ang paglinang ng isang sulatin ay nangangailangan ng materyales mula sa iba pang mga karanasan at kaalaman ang mga sumusunod ay makakalinang sa kakayahang pagsulat bilang estudyante:

1. Sikaping gumamit ng diksyonaryo upang matiyak ang gamit ng mga salita, lalo na ang mga bagong pamantayan sa ortograpiyang Filipino

2. Gamitin ang mga kaalaman sa nababasa, napapanood, napakinggan, palitang-kuro at mga pahayag sa iba na may katotohanan at sariling karanasan upang bilang pagpapahayag ng mga kaisipan.

3. Sikaping tumpak ang mga impormasyon mailalahad sa pagsulat

4. Itala ang mga anumang nasa isipan

5. Kailangan limitahin ang paksa na may kinalaman sa kasalukuyan

5. Panonood



Ang panonood ay isang paraan upang malinang ang visual literacy.


Ang panonood ay may malaking ginagampanan sa pagkakatuto lalo na kung pag-usapan ang panonood ng telebisyon sa bawat tahanan at saan man at lalong lalo na ang anumang mga kaisipang inilalahad sa pamamagitan ng multi-media. Ang telebisyon ay siyang naghahatid ng tinatawag na mass education ay nagtataglay ng kapangyarihan upang mahubog ang kaisipan ng isang bata samantala, ang multi-media na nalilikha at pinapagana sa computer na nababahagi nang malaking panahon sa mga nahuhumaling nito ay nagdadala ng malaking epekto sa pagkakatuto. Ang kasalukuyan na binasagang “panahon ng digital imagessa aspektong pangteknolohiya ay nagdadala ng isang makabuluhang kaganapan ng bawat panonood sa buhay ng isang estudyante. Halaw sa website na Viewing Skill Presentation Transcript, ang panonood ay isang proseso nakakatulong sa kasanayang pakikinig-pagsasalita (oracy) at pagbasa-pagsulat( literacy,) at kalakip sa programang integratibong sining ng wika.

Ang panonood ay ang pag-unawa sa biswal na mga imahe (visual images) at pag-uugnay nito kasabay sa pasalita o pasulat na salita. Ito ay gawaing kinasasangkutan sa pag-iinterpret ng mga imahe kung ano ang pakahulugan nito kaugnay sa mga imahe sa video, computer programs, at mga websites.

Nalilinang sa panonood ang kasanayang pakikinig kung pinagtutuunan ang mga komunikasyong di-berbal, mga elementong biswal sa bawat kagawian, video, telebisyon, film, at multimedia na inilalahad. Nalilinang din dito ang kasanayang pagbasa sa pagkatataong pinagtutuunan ang mga simbolong pantulong sa pag-unawa(gaya ng tsart, diagram, at ilustrasyon), tiyak na teknik at presentasyon ng kabuuang teksto(lay-out, kulay, at iba pang mga disenyo), at ang kalidad at baryedad ng isang “media”(larawan, animation, at video).

Sa panonood na may kinalaman sa computer at ibang mga media material, ang sinuman ay matutong umunawa ng mga larawan, mga diyagram, mga talahanayan, at tsart. Ang kasanayang ito ay nangangahulugang dagdag impormasyon tungo sa anumang materyal na natutunghayan. Madaling matutunan ang anumang mga paliwanag at diskusyon dahil mga grapikal na presentasyon. Ito ang tinatawag na formatting information with word processiong program. Kahit hindi kusang itinuturo, ang sinumang nanonood ay may kakayahang matuto, maunawaan, at mabigyang interpretasyon ang bawat biswal na imahe ang mensahe nito, at ang matukoy ang kahulugan mga nito.

Sa panonood inaasahan na ang mga mag-aaral ay matutong magmamasid, magbigay interpretasyon, paghihimay at pagsusuri sa anumang biswal na imahe, makilala ang mensahe at ang mga kahulugan nito. Kung matamo ito, ang panonood ay mag-iwan ng makabuluhang pagkakatuto.

Sa disiplinang pangkaisipan, ang manonood ay palaging gumagamit ng kanyang dating kaalaman upang mabuo ang pagpapakahulugan sa mga biswal na na imahe. Nangangailan ito ng kasanayang pagtanda at sekwensyal na pag-iisip. Batay sa website na nababangit, ang kakayahang maunawaan at mainterpret ang napapanood na biswal na imahe, at kakayahang lumikha ng mga biswal na imahe na nakatatawag pansin ng iba ay tinatawag na visual literacy ayon kina Gorgis(1999), Valmont(2003) at Heinich(1999). Ang visual literacy ay magsimula nang ang bata ay matuto makakakita at magkakaroon ng atensyon sa isang larawan. Kaya mahalagang itanong sa mga bata kung tungkol saan ba ang larawang nakikita.


Ang mga sumusunod ay mga rekomendadong gawi upang magkakaroon ng produktibong panonood:

1.Maging mapagmasid at magbibigay interpretasyon sa pamamagitan ng pagbibigay suportang ebidensyang imahe.

2. Suriin kung ang mga bagong impormasyon kung nagkatugma ba sa sariling interpretasyon.

3. Ibuod ang pagkasunod-sunod ng kaisipan— sa ganitong pagkakataon magagamit ang sariling kakayahang bumuo ng mga mga kaisipang pasalita o pasulat hango sa mga icon o simbolong nakikita—dito rin magagamit ang mga sariling bokabularyo at pag-ugnay nito sa mga dating kaalaman.

4. Magkakaroon ng layunin sa panonood at maghahanda ng mga katanungan nais masagot.

5. Kilalanin ang pangunahing kaisipan sa napapanood. Magsasagawa ng pagtatala upang hindi makaligtaan ang mga mahalagang biswal na imahe, kaisipan, o pangyayari.

6. Kilalanin ang mga makatotohanang kaisipan at ang tinataglay na mensahe nito sa pagitan ng biswal na mensahe tungo sa pagiging totoo o likhang imahe lamang.

7. Alamin at kilalanin ang mga teknik sa pagkalikha ng mga biswal na imahe—bumuo ng sariling pagpapakahulugan at ikumpirma ito sa iba’t ibang sanggunian.

8. Balikan ang kabuuang napapanood at lagumin ang mga mahalagang kaisipan at mga teknik na ginamit at iugnay sa mga sariling karanasan. Kilalanin ang pangkalahatang kakintalan batay sa tiyak na mga pamantayan. Maaring gumawa ng rebyu at maghugot ng kongklusyon.

9. Ilahad ang personal na mga reaksyon at opinyon tungkol sa napanood at kilalanin ang tiyak na estratehiya na nakakaenganyo sa mga tagapanoond.


Ang Kritikal na Panonood

Ito ay panonood na nagbibigay tuon sa mga mahalaga at makatotohanang impormasyon, kaugnayan, hinuha at kritikal na pagsusuri. Ang kritikal na manonood ay matutong umunawa at magsasagawa ng ebalwasyon sa mga impormasyong hango sa telebisyon, video recording, at ano-ano pang visual media. Ang directed seeing-thinking activities (DSTAs) isang paraan upang malilinang ang sinuman sa kritikal na panonood. Ang DSTAs ay ang pagbibigay gabay na katanungan sa panonood, ang gabay na ito ay bilang pagsukat sa pag-unawa at paglalahad nito sa pasalita o pasulat na paraan.

May iba’t ibang mga kaisipang nagbibigay linaw kung paano naging bahagi sa ating buhay ang panonood gaya ng panonood ng telebisyon, sa artikulo ni Stowell (1992)ang sobrang panonood ng telebisyon sa murang edad ay nakapaghahatid ng comprehension apprehension. Ibig sabihin nito na nagdudulot ng mabilisang pag-iisip kung sa murang edad pa ay nakasanayan na ang panonood. Sa mga karaniwang manonood, tinatayang ang kadahilanan sa panonood ng telebisyon ay upang magpapalipas ng oras at sa layuning pangkasiyahan, at upang makakalap ng impormasyon (Rubin, 2009).

Kritikal Panonood at Mga Kasanayan sa Kritikal na Pag-iisip

Salin at halaw sa artikulo ni David Considine

Napatunayan sa pananaliksik na kung tuturuan natin ang mga bata na maging kritikal na manonood(critical viewers) ay higit pang nabibigyan sila ng kakayahang sumuri sa pagkabuo ng isang hindi pa nakilalang biswal na imahe, nabibigyan din sila ng pagkakataong mag-isip sa kritikal na paraan tungkol sa sangkap ng mga larawan—-na lumilinang sa kanilang kakayahang maunawaan ang mga simbolong tekstwal at ang daigdig. Sabay na napakinabangan tungko sa pangkaalaman ang pagpapahalaga sa panonood ng telebisyon, at hanggang tinitingala ang hatid ng video age upang malilinang ang bagong antas ng literasiya habang patuloy ang disiplinang tradisyonal na literasiya. Inulat sa 1990 isyu ng The Harvard Education Letter, na ang video screen ay nakakatulong sa paglinang ng mga bata sa bagong uri ng literasiya—ito ang visual literacy. Ang literasiya ito ay kakailangan nila sa pagharap ng isang uring teknolohikal na daigdig. Sa telebisyon at pelikula, ang manonood ay kailangang matutong umuugnay sa iba’t ibang mga eksenang kuha sa kamera upang makabuo ng pangkalahatang bagong imahe. Ang telebisyon ay magagamit sa paglinang ng mga kasanayang pagbasa at mapalawig ang tradisyonal na literasiya, at kailangan lalong makilala na ang telebisyon ay kakaibang uri ng kagamitan, at upang mapakinabang ito kailangan maging bihasa tayo sa codes, teknik at mga katangian ito. Ito ay nangangahulugang pagtanggap at pagkilala sa kapangyarihan sa imahe at pagtanggap sa katotohanang mapanood na ang mga hindi kapani-panilawala. Ayon kay Jack Solomon, ang telebisyon ay nagdadala sa atin sa mga bagay na maging tunay—hindi lahat ng iconic signs ay totoo. Nang napanood ito, naniniwala tayo, at maaring hindi natin maiisip, na likha lamang ang mga iyon ayon sa kawilihang mayroon dito. Ang pagbabagong paniniwala hinggil sa presentasyon media na ito ay nangangailan isipin na hindi lahat na nakikita ay totoo, ang anumang nakikita ay siyang matutunan. Ang mahalaga nito ay ang anuman ang ating matamo sa panonod. Ang proseso sa panonood ng telebisyon ay may mga sumusunod na mga elemento:

1. Pag-interpret sa Internal na Nilalaman sa Isang Programa. Mahalagang magagamit ang pasalaysay na analisis o kakayahan sa pagbalik-tanaw at pagkilala sa mga pangyayari at bakit ito nangyayari mula sa mga batayan tungo sa pagkilala sa kabuuang uri nito at paglalahad sa kabuuang naunawaan.

2. Pag-interpret sa internal na kayarian ng eksena.Binibigyang tuon dito ang anyo at estilo ng media, kabilang na ang disenyo at ang kalidad ng larawan at imahe at iba pang mga kaparaan sa pagkuha ng shots at paggamit nito.

3. Pagkilala sa Ekstenal na Layunin at Salik sa Pagbuo ng Programa . Ang iba’t iban palabas ay naiimpluwensyahan sa mga isyung panlipunan, kaya tuon dito paglinaw o pagkilala konteksto ng palabas upang matukoy ang kabuluhan sa pinapanood.

4. Paghahambing at Pagkokontrast sa mga Palabas Tungo sa Tunay na Pangyayari. Bilang tagapanood kailangang masuri kung ano ang pinapanood at maihahambing ito sa tunay na buhay. Hindi ito maiiwasan lalong lalo na kung ang palabas ay nagsasalaysay sa sinaunang panahon, ngunit paano na lamang kung ang tauhan ay nakasuot na ng damit na makabago. Mangyari din ang pagsusuri sa mga impormasyon ayon sa tunay na kalagayan, pati sa mga tunay na paniniwala batay sa iba’t relihiyon at iba pang basehan.

5. Pagkilala at Pagtugon sa Potensyal na Epekto sa Uri ng Palabas. Ang kritikal na manonood ay marunong pumili ang mga uring palabas dahil alam niya kung ano ang makukuha niya. Sa kasong ito, magaganyak ang gawi ng manonood upang bigyang puna ang programa. Ang MTRCB ay nasa ganitong tungkulin.

34,059 view0 komento

Mga Kamakailang Post

Tingnan Lahat

Comments


Post: Blog2_Post
bottom of page