top of page
Maghanap
Larawan ng writerPheng Cou

DISKURSO

Ang diskurso ay pang-apat na antas sa pag-aaral ng wika na ang pokus ay kung paano makabuo ng isang mabisang pagpapahayag upang maiwasan ang sagabal sa pagtanggap ng mensahe. Ito ang berbal komunikasyon na magaganap sa mga tiyak na gawaing palitan ng mensahe gaya ng kumbersasyon, pagsulat ng tesis, pagpupulong, pagtatalumpati at iba pang sumasaklaw sa pasalita at pasulat na paraan.



Ang kakayahang komunikatibo ay tumutukoy kung paano mamamahala ang sinuman sa pakikipagkomunikasyon tulad ng paano makinig, paano magsasalita, paano sumulat at paano magbasa dahil ang antas sa mga makrong kasanayang ito ay magdala ng sinuman sa pagiging epektibong mananalastas. Ang kakayahang lingguwistika naman ay tumutukoy sa kabuuang kaalamang pangwika—mula sa pagkilala ng mga simbolong pangwika hanggang pag-unawa sa mga kahulugan nito sa komplikadong mga pamamaraan.

Ang konteksto ng isang diskurso ay maaaring personal, sosyal, interpersonal, pang-grupo, pang-organisasyon, pangmasa, interkultural, pangkasarian, akademiko at iba pa. Ang iba’t ibang konteksto ay tumutukoy sa iba’t ibang paksa o usapan. Kaya dahil napakadami ang puwedeng pag-usapan at paiba-iba ang antas ng kaalaman at pag-unawa na hindi maiwasang mag-iba-iba ang pakahulugan ng nimunan hinggil sa isang usapin. Ang iba’t ibang konteksto ng diskurso ay naglalarawan lamang sa iba’t ibang kawilihan, katungkulan, pananagutan at katayuan bilang kasapi sa pamilya at lsa lipunang kinabibilangan. Ang kakayahang komunikatibo ay masusukat sa kakayahang maunawaan ang bawat konteksto ng anumang pahayag sa anumang sitwasyon.


MGA TEORYA NG DISKURSO


May iba’t ibang paliwanag at mga prinsipiyo kung paano mauunawan ang mensahe ng bawat pahayag. Ayon sa Speech Act Theory, ang wika ay isang mode of action. Ibig sabihin, ang anumang kaparaan sa paghahatid ng mensahe ay makakatulong upang mauunawaan ang mensahe. Ang produksyon o paglikha ng mga simbolo, salita o pangungusap sa pagganap ng kanilang tinatawag tinatawag na speech act ay mismong paraan upang mapalinaw ang mensahe. Ang wikang mismong ginagamit ay may sariling puwersa upang ipaunawa ang mga nais ipabatid at mangyayari.

Sa teoryang Ethnography of Communication kailangan ang obserbasyon at pakikisalamuha upang mapag-aralan ang kultura o wikang ginagamit sa isang komuninad. Dahil ang anumang gawi at mga nakasanayang gawain ng mga tao ay may kabuluhan kung paano ang isang tao makikipagkomunikasyon. At, sa Communication Accomodation Theory naman, isang paraan upang maunawaan ang mga pahatid na mensahe ay ang pagsusuri ng estilo na ginagamit ng tao sa pakikipag-usap upang mapalagay o ma-accomodate ang kausap. Sa pag-a-accommodate maaring bigyang diin ang mga kanilang katangian, ito ay tinatawag na divergence, at convergence naman kung kung may matinding pangangailangan para sa social approval. Kadalasang ginagawa ito sa mga karaniwang tao.

Sa Pragmatic Theory naman, inirekomenda na upang masuri ang tunay na konteksto, isa-isahin ang bawat sangkap ng pangungusap. Ibig sabihin kilalanin kung ano-anong mga kaisipan ang taglay ng pahayag sa pamamagitan ng pagkilala nito salita sa salita, parirala sa parirala, at sugnay sa sugnay.

10,642 view0 komento

Mga Kamakailang Post

Tingnan Lahat

Comments


Post: Blog2_Post
bottom of page