top of page
Maghanap
Larawan ng writerPheng Cou

Ang Siklo ng Wika: Pidgin Patungong Creole

Updated: Set 8, 2020




Maihahalintulad sa isang pamilya ang wika. Ang bawat salita o bokabularyong taglay nito ay maihahalintulad ding kasapi sa pamilya—- na kapag ang anak ay makapag-asawa ay magkakaroon din ng panibagong miyembro. Kaya maituturing na ang bawat anak ay produkto sa magkahalo-halong angkan.

Sa halaw sa pananaw ni Comrie, Bernard (2008) , ang pidgin tumtutukoy sa anumang wikang umusbong mula sa iba’t ibang wika na maituturing na panibagong pangkat ng wika. Ito’y sapilitang natutunan upang may magagamit sa komunikasyon. Maituturing din itong pangunahing wika. At, dahil ito ay umusbong mula sa iba’t ibang wika maituturing itong natatanging at bagong puro na wika, pero ang taglay na bokabularyo nito ay mula rin sa iba’t ibang wika.

Nang ang mga tao ay walang humpay sa pakikisalamuha, ang wika rin ay patuloy na magkahalu-halo at maituturing wala na ring ni isang taal na sa kanyang pagsasalita, kaya mangyaring uusbong ang wikang maisakategoriyang creole. Ito ang wikang produkto sa pagdaan ng panahon.Ebidensiya ito na ang wika ay patuloy na kumikilos sa pamamagitan ng pagkatuto ng mga taong gumagamit nito—ang wikay ay buhay. Ang kaganapang ito, ay maihahalintulad sa pangyayaring ang pagsasalita ng mga anak ay hindi pareho sa pagsasalita ng mga magulang.

Ang pagkakaroon ng pidgin at creole ay makilala sa bawat henerasyon ng bawat angkan at pamilya. Ito ay isang siklo —paulit-ulit na mangyari na may magiging pidgin sa sandaling panahon at hanggang umusbong sa pagiging creole. Parang tao na may iba’t ibang yugto sa buhay at matataya ito sa mga panulat. Ang mga aklat na naisulat noong mga dekada 50, dekada 70 at hanggang sa kasalukuyan ay tiyak na nagpapakita kung anong uring wika ginamit ng mga tao noon.

Kagaya ngayon kadalasang katawang Ingles ang ginagamit sa pagsulat—na maaring Baybay Filipino o orihinal. Sa K to 12 , pinapahalagahan ang wikang panrehiyon, tiyak makapagbibigay ito ng bagong creole ng bawat diyalekto sa buong kapuluan hanggang sa pag-usbong ng wikang pambansa.

Ang mga creole ay may iba’t ibang uri kaya sa pagkikipagsalamuha ng mga tao sa iba’t ibang lugar nabubuo ang iba’t ibang diyalekto. Sa isang pulo makilala ang mga diyalekto—dahil sa parehong lugar, ang mga tao ay matuto sa bawat isa. Kagaya sa ating bansa, may 11 pangunahing diyalekto na kumakatawan sa pangkat-pangkat ng mga naninirahan sa buong Pilipinas. Bukod pa nito, sa Dekalogo ng Wikang Filipino, umabot ng 187 wikain mayroon ang ating bansa.

Buhat sa hindi mapigilang paglutang ng iba’t ibang diyalekto na may malalawak o makitid na hangganan ay lumutang ang lingua franca. Ang lingua franca ay ang wikang ginagamit upang makaintindihan ang mga taong may iba’t ibang sinasalitang wika, sa Pilipinas, naging lingua franca ang Tagalog hanggang nagkakaroon ng wikang Pambansa—ang wikang Filipino.


Antas ng Wika

Masasasangguni sa pagtatalakay ni Bernales et al(2002) at Garcia et al (2008) na sa kabuuan mauuri sa dalawa (2) ang antas ng wika—pormal at impormal. Ang pormal na antas ay ang wikang ginagamit sa pamayanan—sa paaralan, sa batas, at iba pa, na tinatanggap na pangkalahatan maging sa bansa o internasyonal at may mga tiyak na katawagang upang mapalinaw ang bawat kaisipang kinatawan.

Sa aklat ni Arrogante(1983), isinaalang-alang niya ang mga gawi sa pasalitang pormal. Ang pamimitagan, malumay na tinig, pananalitang malinaw, katumpakan ng salita at pag-iwas ng mga marahas na pananalita upang matamo ang pakikipagsalitaang pormal. Ang mga kalagayang ito ay malimit nating matutunghayan sa mga tanggapan at paaralan kung saan ipinapakilala ang mga mabubuting gawi. Samantala, ang impormal ay ang wika o pagsasalita na maaaring ginagamit lamang sa maliliit na pangkat na maaring simple at kadalasang ginagamit araw-araw. Kabilang din ang mga pagsasalitang bulgar at may mga kakaibang pakahulugan na maaring lamang baguhang naiimbento. Ang pormal na wika ay nakilala sa mga tiyak na sumusunod na antas:

A. Antas Pambansa. Ito ang wikang opisyal na ginagamit sa komunikasyon dahil naisabatas na at kumakatawan sa iba’t ibang wikang ginagamit sa buong bansa, kabilang ito sa itinuturo sa paaralan at ginagamit sa pagsulat pang-akademiko. Ginagamit ito sa batas, sa relihiyon, sa pamamahayag at iba pang mga opisyal na transaksyon. Ang salitangg pambansa ay mga salitang lahok sa diksyonaryo. Sa wikang Filipino, ang UP Diksyonaryo ay ang natatanging diksyonaryo ang nagtataglay ng mga salitang tanggap sa pormal na wika. Ito ay isang proyekto ng Komisyon sa Wikang Filipino(KWF). Ang mga lahok nito ay naayon sa alituntunin sa pagbabaybay at panghihiram sa mga likas at hiram na salita na sumasaklaw sa iba’t ibang katawagan. Pansinin ang mga artikulo sa ibaba kung ano-anong mga pananalita ang ginagamit upang matamo ang pambansang antas ng wika:


 Ang Pagbabago sa Sistema ng Kurikulum
 
 Ang K to12 ay ang kabuuang pagbabago sa sistema ng kurikulum sa lahat na antas ng edukasyon dito sa Pilipinas. Layunin nitong magkakaroong ng produktong nakapagtatapos ng pag-aaral na nakiayon sa pandaigdigang pamantayan sa kasong employment placement at matugunan nito ang mga kinakailangang kasanayan sa lokal na lipunan.
 Bilang kabuuang pagbabago sa sistema ng kurikulum, dinadagdagan ng isang(1) taon ang elementary at dalawang (2) taon naman sa, sekundarya. Ang isang taon ng elementarya ay ang kompulsori nitong pagkuha ng kindergarten bago maging grade 1, kaya sa halip ng anim (6) na taong iginugugol sa elementary ito na maging anim na taon. Sa edad ng anim(6) na taong gulang mag-umpisa na sa pormal na pag-aaral ang isang bata. At, sa antas sekundarya naman, ang dagdag na dalawang (2) na tinatawag na senior high school na may dalawang direksiyon, ang una, ay ang pagsasanay sa mga pangbokasyunal kaalaman at gawain o tech-voc na gangailangan sa lokal na pamahalaan, o kaya’y sa halip na pagtungo sa tech-voc ang estudyante naman ay tutungo sa –aaral sa tinatawag na College readiness Standard” (CRS).
 Ang tech-voc ay ang pagsasanay sa mga estudyante sa mga gawaing may kinalaman sa paghahanap buhay at paglinang sa anumang mga teknikal na mga kasanayan tulad ng electronics, computer technician, intrepreneur, at iba pa na makakatulong sa pagsulong ng industriya. Ang CRS naman, ay para sa mga estudyante na walang kawilihan sa tech-voc. Sa panuntunang ito, ang mga estudyante sa 4th year ay bibigyan ng assessment upang magabayan kung alin ang kanilang konsentrasyon sa dagdag na dalawang taong pag-aaral. Ang ninanais na matuguhan sa tech-voc ang mga gawain, propesyong kinakailangan sa lokal na pamahalaan kay sa pag-iimplementa ng tech-voc ay maging kabalikat nito ang lokal DILG. Samantala, ay pag-aaral na nakatuon bilang paghahanda sa mga estudyante mga estudyanteng gustong kumuha ng mga baccalaureate degree. 
 
K+12 Curriculum Hand-outs. UC Seminar-Workshop 2012 . Mariner’s Hotel , Pier 1 Cebu City 
 

B. Antas Pampanitikan. Ginagamit ito sa pag-aaral ngunit na higit na itong makilala sa mga akdang malikhain. Lahat na wika ay may antas na ito sa ikakasining ng paggamit ng wika, ito’y tinatawag din na antas panretorika. Ito ay paggamit ng mga patalinghagang paraan o may natatagong kahulugan, konotasyon, at simboliko upang humahamon sa pag-iisip, tinuturing itong matatayog at malalalim, makulay at masining na pananalita(Bernales et al, 2002). Sa paunang salita naman ni Monleon(1968) sa aklat na Florante at Laura, tinuturing na akdangguro ang tula na Florante at Laura dahil inobra itong alinsunod sa pamantayang palatitikan at palabaybayan ng Wikang Pambansang Pilipino at sa pagsasapaksang pabaha-bahagi ay naiaanyong pampa-aralan na aklat. Iniulat rin sa aklat ni Monleon na 28 uring tayutay ang ginagamit ni Balagkas sa Florante at Laura. Narito ang Puno ng Salita ng Florante at Laura:


 Sa isang madilim, gubat na mapanglaw,
Dawag na matinik ay walang pagitan,
Halong naghihirap ang kay Febong silang 
Dumalaw sa loob na lubhang masukal.
 
Malaking kahoy—ang inihahandog
pawang dalamhati, kahapisa’t lungkot;
Huni ng pa ng ibon ay nakalulunos
Sa lalong matimpi’t nagsasadyang loob.
 
 Tanang mga baging na namimilipit
Sa sanga ng kahoy ay balot ng tinik;
May bulo ang bunga’t nagbibigay-sakit
Sa kanino pa mang sumagi’t malapit.
 
Ang mga bulaklak ng nagtayong kahoy,
Pinakamaputing mag-ungos sa dahon;
pawang kulay luksa at kaikiayon
Sa nakaliliyong masangsang na amoy.

Naririto Naman ang mga Impormal na Antas


C. Antas Lalawiganin. Ito ay ang diyalekto ng isang lugar. Sa Pilipinas, dahil maraming diyalekto kailangang magkakaroon ng iisang wikang mauunawaan sa lahat, dahil kapag ang mga Pilipino ay makipagkomunikasyon gamit ang kani-kanilang diyalekto ay hindi magkakaintindihan dahil malaking pagkakaiba ang bawat diyalekto sa Pilipinas. Tunghayan ang mga sumusunod na mga pahayag mula sa iba’t ibang diyalekto:

1. “Adi da didi” (sa Waray )/ Ari ra diri (Cebuano)

2. Mangaon ta anay (sa Ilonggo) / Mangaon usa ta (Sa Cebuano)

3. Mangaon ta bala ( sa Ilonggo) / Mangaon diay ta (sa Cebunao)

4. Ang kalayo mikalatkat sa balumbong (sa Masbate) / Nasunog ang balay (sa Cebuano)

5. Napait lagi mi (Butuanon) / Nagsilod lagi mi (Sa Cebuano)

6. Guti lah (Waray)/Gamay lang (Cebuano)

7. Nagkalayo ka na? (Waray) / Nagdung-ag naka? (Cebuano)

8. Pagkuhit na sa ( sa Waray)/ Paghukad na( Cebuano)

9. Maupay na aga dida (Waray) / Maayong adlaw diha( Cebuano)

10. Ala eh ang batang here ( Batangueneo) / Hal uy, kining bata gayud (Cebuano)

D. Antas Kolokyal. Sa anumang pagkakataon, ang mga tao ay may kakayahang paikliin ang mga salitang ginagamit sa pagsasalita. Kaya isa na itong tatak ng wika. Ang antas kolokyal ay tumutukoy sa kakaibang anyo ng isang salita. Gaya ng balay (Cebuano)na maging “bay’, kita mo na maging kitam.

1. Pasayloa ko, wa(wala) jud(gayud) ko’y kalibutan ana Nay.

2. Sus, intawaon kinsa ba go’y di (hindi)mahimutang aning panghitaboa.

3. Mangadto ta(kita) bay(abay—tawag sa kaibigan) sa ila ni ‘Nong (Manong) Ting Bon Lang para makita jud(gayud) nato(kanato) ag ilang kahimtang.

1. Wala na akong magawa nito sumubra na ang bagahe ko, kitam(nakita mo)?

2. Meron( mayroon) na bang baliang tatakbo sa eleksyon 2016)?


Antas Balbal. Tinatawag ito na slang . Sa Pilipinas, ang mga salitang nasa antas na ito ay mga salitang naiimbento sa mga taong palaging nasa kalye kaya ito ay itinuturing na pinakambabang antas. Tinatawag itong wikang panlasangan, ngunit sa panahon nating ngayon hindi ito sinasalita lamang sa mga walang pinag-aralan ngunit ito ay naging komon na wikasa sitwasyon hindi pormal. Sa pagdaan ng panahon hindi lamang ang mga salitang kalye ang tinutukoy nito ngunit kabilang din ang gay lingo. May maraming paraan sa pagbuo ang antas na ito:

1. .Panghihiram mula sa mga salitang banyaga na may kakaibang kahulugan.

· Naka-wheels (mayaman) nga ang bisita mo!

· Huwag mong pag-aksayahan ng panahon ang taong iyan , walang jewel( magandang katangian) ‘yan.

· Mag-jingle (iihi) dahil mahaba pa ang biyahe natin. * nakasanayan itong ginagamit sa ka-Maynilaan.

· Huwag kang magreklamo sa buhay mo ngayon, dahil bakit mo namang sinadyang umenter (pumasok sa uri ng buhay o kagusutan).

· Sa pamamasyal namin sa baybayinng dagat marami kaming nakilalang chicks( batang dalaga).


2. Pagbibigay ng Bagong Kahulugan na hango sa mga salitang katutubo, lalawiganin at iba pa. · Mga tiguwang (Ceb.)( mahina) ang nandidito, isang linggo na hindi pa nagtapos ang pag-aaspalto ng kalsada!

· Dito lahat ay may gawain kaya walang puwang dito ang kagwang (Ceb.)( walang maayos na nagawa).

· Sige pre, labyog (Ceb.) (magsikap) tayo pre dahil pasukan at wala pang pang enrol ang mga anak ko.

· Saan ba kayo nagmana, mga karagan (Ceb.)( walang disiplina), umayos nga kayo!

· Kung ikaw ay may-asawa na at mananatiling isang butakal (Cebuano)(Babaero) gulo lamang ang aabutin mo sa buhay.

· Pabili ng Colgate(toothpaste) o kahit ano diyan basta colgate lang.

· Nandoon na tiyange ang bata (Ceb.)(mauutusan) ko, at ipina-deliver ko na ang mga order mo.

· Nancy iyon ba ang papa(kasintahan) mo noong kasama mong naglalaro ng volleyball sa kapistahan?

· Salamat sa Diyos, nahuli na ang mga nagtutulak ng bato(shabu) sa ating baranggay.

· Mag-ingata kayo sa mga wakwak (mga kasamahang gusto kang ilaglag) sa kompanyang ito, kaya dapat tama ang lahat mong mga pamamaraan at ginagawa.

3. Pagpapaikli o reduksyon, na maaaring gumagamit ng salitang Filipino o banyaga .

· Nakapangasawa ng Kano(American National) si Kara na kilalang bihasa sa pangunguna ng pagnonobena.

· Tol (kapatid) iwanan ko muna sa iyo ang aking ari-arian hanggang ako’y dito pa sa Saudi Arabia.

· Tayo ay mga promdi(from the province) kaya nasa dugo natin ang sanay sa anumang gawain, katangiang hindi matatawaran ito.

· Ang hindi matutong magsalita ng Filipino ay hindi Pinoy(Pilipino).

·

4. Pagbabaligtad at Pagdaragdag. Ang mga bading ay dinig sa pagbabaligtad ng mga salita na ginagamit sa kumbersasyon. Hindi natin mamalayan na kahit anong salita ay puwedeng babaliktarin , at bukod sa pagbabaligtad, ay puwede pang dagdagan ng iilang letra gaya nitong halimbawa:

Ang atab(bata) mo ay nakarating na ba? Wala na akong aper(pera) naubos na kasi sa gastos ko sa pakals(kainan) kahapon. kaya kailangan nang sisingilin akit(kita) yadni(inday) garutay.

Hay naku bading ak(ka)! Dihins(hindi) mo ba nakikita na baligtad na ang abuls(bulsa) ko. Heto na lamang ang natira —isang pirasong amikats(kamatis) at atlong(talong) hahhaha! Hayaan mo kapag dumami na ang ukis(suki) ko babalutin kita ng togin(ginto). Sige na magdamayan nalang atoy(tayo) noynga(ngayon) para hindi tayo sabay na mayatap (mapatay) sa gutom.

At sabay-sabay silang bumukas sa kanilang sari-sari store… na maraming gulay..

5. Paggamit ng Akronim. Maraming puwedeng imbentuhin na akronim mula sa mga pariralang gaya ng mga sumusunod:

Fyi (for your information) maraming ksp(kulang sa pansin) sa aming lugar, minsan dinudumihan nila ang mga gp(gusaling pampubliko) sa pamamagitan ng pagpipinta. Hp(hindi pansin) ng mga opisyal ng barranggay na ang mga batang ito ay anak ng mga mkb (may kaya sa buhay). Bakit hindi sila nagkaganon, papaano ang mga magulang ay nasa malayo at sila’y iniwan sa kanilang mga kaanak lamang. Kaya hindi natin sila masisisi kung sila ay psl(pasaway sa lipunan). Dapat sana makikita rin ito sa mga paaralan at sa DSWD upang maglaan ng programa angkop sa pangangailangan nila. Ang mga magulang nila’y knk(kayod na kayod)sa ibang bansa at nag-aabuloy ng pera ngunit mauuwi lamang sa mb(masamang bisyo) ng kanilang mga anak. Malaking suliranin ito sa ating mga kabataan.

Bukod sa mga salitang nasa halimbawa, komon ding ginagamit ang US(under de saya), TL (true love), TLC(tender loving care)

6. Paggamit ng Numero

99% —kulang-kulang sa pag-iisip

100-1 —huwag magpakalulong sa walang kuwentang bagay

50-50—nanghihingalo, hati-hating kalagayan

100—tama lamang

123— madaling umalis dahil sa panloloko

2x2—- mapaparusahan

5568—Sabik na sabik na kitang makikita

1–1 — harap- harapan

Nakasanayan ding ginagamit ng mga Pilipino ang mga panumerong may kahulugan sa English

gaya ng 143 na mula English na” I love You” at 4344 na I love you very much.

7. Pagdaragdag. Iba ito kaysa pagbabaligtad at pagdaragdag dahil ito lang talaga ay pagdarag na sa hanggang ngayon ay natutunan pa ang ibang mga salita. Paglilito ito sa mga hindi nakakaintindi dahil maaring ang salita ay magkakaroon ng pamilyar na anyo na hindi naman ang totoong tinuturing nito gaya sa mga halimbawa na:

malay==malaysia( namamalayan niya)

puti == isputing (nagsuot ng puti)

bata==bataot (bata na nauuto)

8. Pagpapalit-wika o Code Switching. Ito ang paghahalo ng wika sa isang pahayag . Gaya ng mga Pilipino, dahil ang mga Pilipino ay marunong din sa English madalas maihahalo ang English sa wikang nakasanayang ginagamit. Maaring maghalu-halo ang Tagalog at English(Taglish), Cebuano at English, at iba pa. Madalas ginagamit ang code switching sa patalastas, sa kuwentuhan. Tunghayan ang halimbawang ito :

Kaibigan 1: Where na you kanina. I thought hindi kana makarating.

Kaibigan 2: Diyos ko, it was so traffic kaya natatagalan . Nag-rerouting kasi today.

Kaibigan 1: And so here is our multimedia project na. Sana makakuha ito ang matataas

na marka para masasabi nating nagtataglay na tayo ng visual literacy.

D. Antas Bawal. Sa mga Pilipino, may mga salitang hindi dapat bigkasin kaya hinahalinhan lamang ito . Sa panulat ni Garcia et al (2010), ito ay may bahid kultural na tumutukoy o tumutuon sa mga salitang katumbas ng mga bahaging sekswal na relasyon o mga masilang diskusyon. Gaya ng paggamit ng mga salitang itlog, binhi, bulaklak at iba pa. Maaring sa aspektong parental guidance, ang telebisyon ay nagkakaroon ng panuntunang hindi ipaparinig ang mga salitang hindi kaaya-aya sa mga bata kaya sa halip hinahalinhan itong TOOOOTTTTT. Sa tahanan naman, may mga magulang ayaw magpaparinig sa mga anak tungkol sa mga bagay-bagay na sobrang bulgar. Ito ay bahagi lamang sa kulturang Pilipino.

KILALANIN ANG TINUTUKOY NA KAISIPAN

1. Lawas ng mga salita at sistema ng paggamit nito na laganap sa isang sambayanan na may isang tradisyong kultural at pook na tinatahanan.

2. Ito ay bagay nagpapakilala sa isang pangkat ng tao.

3. Ang kasingkahulugan ng wika ayon sa UP Diksyonaryo

4. Makilala ito bilang kakaiba sa istandard na wika

5. Isang anyo ng wika na ginagamit sa partikular na pook o rehiyon

6. Wikang kabilang sa isang tiyak na pangkat.

7. Uri ng wika na may sariling bokabularyo, bigkas, gramatika at idyoma

8. Ito ay diyalekto ng mga Tagabili sa South Cotabato

9. Diyalekto ng Leyte na kahawig sa Bohol at Cebu.

10. Ang wikang ginagamit ng Siasi, Sulu

11. Ang lugar na may diyalektong Hiligaynon

12. Wikang nagpakikilala sa pansariling katangian ng tagapagsalita

13. Wikang kailangan sa pakikisalamuha sa iba na may kaugnayan sa pamumuhay.

14. Wikang dahilan kung bakit ang mga tao ay may iisang paniniwala.

15. Barayti ng wika na batay sa gamit

16. Barayti ng wika na batay sa gumagamit

17. Barayting may espesyal na bokabularyo.

18. Barayting higit na makilala sa sitwasyong sosyal.

19. Mga pabalbal na barayti ng wika

20. Pansamantalang barayti na may kaugnayan sa panlipunang papel na ginagampanan ng tagapagsalita.

21. Tumutukoy sa midyum na ginagamit sa pakikipagkomunikasyon.

22. Barayti na tumutukoy sa relasyon ng tagapagsalita tungo sa iba.

23. Mga barayting magaganap sa mga sitwasyong kinakailangan.

24. Uring barayti na higit na naglalarawan sa tagapagsalita.

25. Mga dahilan kung bakit may barayti ang wika.

26. Wikang umusbong mula sa iba’t ibang wika.

27. Wikang nabubuo sa pagdaan ng panahon

28. Ito ay maituturing na wikang puro at walang kahalo

29. Wikang produkto sa pakikipagsalamuha sa iba’t ibat lugar

30. Ang wikang ginagamit sa mga taong may iba’t ibang wika upang magkaintindihan

31. Wikang produkto sa pag-aaral at pagsasabatas ng isang bansang malaya.

32. Ang bilang o dami ng pangunahing diyalekto sa Pilipinas

33. Ang kabuang dami o bilang ng mga wikain sa Pilipinas.

34. Taglay sa wikang ito ang bokabularyong mula sa iba’t ibang wika—ngunit ito ay panibagong wika.

35. Ang lingua franca sa Pilipinas.

554 view0 komento

Mga Kamakailang Post

Tingnan Lahat

Comments


Post: Blog2_Post
bottom of page