top of page
Maghanap
Larawan ng writerPheng Cou

Morpema at Pagbuo ng mga Salita








Ang Pagbabagong Morpoponemiko

Sa bawat pagpapahayag ng kaisipan o damdamin, ang anyo ng mga salita ay maaring mabago-bago dahil inaayon ito sa madaliang pagbigkas, at ito ay isang batayan sa wikang pasulat. Sa pangyayaring ito may tinatawag na pagbabagong morpoponemiko. Ang pagbabagong morpoponemiko ay ang pagbabago ng anyo ng isang ponema sa isang salita dahil naiimpluwensiyahan ito sa iba pang mga ponemang nakapaligid nito.

Ang mga morpema magbabago ang anyo ngunit hindi nababago ang kahulugan ay tinatawag na alomorp gaya ng pang- na may anyong pam- at pan-; ang tatlong anyo ay alomorp. Ang mga alomorp ay bahagi rin sa pagbabagong morpoponemiko. Sa aklat na ni Alfonso Santiago at Tiangco(2003) may limang(5) uri ng pagbabagong morpoponemiko na asimilasyon, pagpapalit ng ponema, matatesis, pagkakaltas ng ponema at pagpapalit-diin:

A. Asimilasyon. Ito ay ang pagbabagong anyo ng mga panlaping pailong na naiimpluwensyahan ng malapit na mga ponema. Ang asimilasyon ay may dalawang(2) uri, ang asimilasyong parsyal at asimilasyong ganap.

Ang asimilasyong parsyal ay tumutukoy sa tunog ng /ng/ ay maging /m/ o /n/.

pang+ pagtuturo==> pampagtuturo pang+bayad==> pambayad

Pang+dikit ==> pandikit pang+tanim==> pantanim

Ang asimilasyong ganap naman ay nangangahulugang may nawawalang ponema.

pang+tubos=>pantubos=>panubos

pang+sungkit=>pansungkit==>panungkit

pang+tawid=>pantawid=>panawid

pang+tahi=>pantahi==>panahi

Hindi maaring gamitan ng asimilasyon ang mga salitang nakakalito at maghahatid ng kakaibang kahulugan dahil may katulad itong anyo (gaya ng pang+tanim huwag maging pananim , pang+luto ay panluto lamang, huwag maging panuto) dahil may kakaiba ng kahulugan na.

B. Pagpapalit ng Ponema. Ang pagbabagong ito ay kaugnay lamang sa mga ponemang malayang nagpapalitan na /d/==>/r/, /h/==> /n/, at /o/==> /u/. Nagkaroon ng pagbabago dahil sa paglalapi. May mga salita ring nagkakataong napapalitan ang /l/ sa /g/ at ang /ng/ ay mapapalitan ng /n/. Ngunit hindi lahat na salitang–ugat na may /d/ ay magiging /r/ ganoon din ang iba pa. Sa 2009 Gabay, ang mga salitang hiram sa Kastila ay kabilang sa palitan ng ponema na /o/ at /u/ ay /e/ at /i/.

ka- +damay ==> karamay mag-+diwang==>magdiriwang(sa pag-uulit)

kaya+ -han ==> kakayanan(sa pag-uulit) natuto+ -han==> natutunan

balot+ -tin ==> batutin abot+ -an ==>abutan

halik + -an ==> halikan==> hagkan dating + -an==>datingan==>datnan

C. Metatesis. Nangyayari ang pagbabagong ito sa mga ponemang /l/ & /y/ na magpapalitan ng posisyon ng panlaping /n/. Ang /p/&/t/, /m/&/n/, at /l/&/d/ na magpapalitan ng posisyon ng panlaping /n/. Ang /p/&/t/, /m/&/n/, at /l/&/d/ na nagpapalitan ng posisyon. Kaunti lamang ang mga salitang may uring pagbabagong ito.

lakad+-in- =>linakad==> nilakad ligaw+-in- =linigaw==> niligaw

atip+ -an => atipan ==> aptan tanim+ -an=> taniman ==>tamnan silid+ -an => silidan ==> sidlan

D. Pagkakaltas ng Ponema. Ang pagbabagong ito ay pagkawala sa ponemang patinig na nasa hulig pantig ng salitang-ugat. Maraming mga salitang may bagbabagong ito.

sakay + -an ==sakayan==> sakyan tupad + -in ==tupadin ==>tupdin

Sunod + -in==sunudin==>sundin sakay + -an==sakayan==>sakyan

E. Paglilipat-diin. Ang diin ay isang ponemang suprasegmental, ngunit ito ay mahalaga upang matiyak ang kahulugan ng isang salita. Sa paglipat ng diin ng isang salita maaring magbabago ang kahulugan nito.

sanay + pag- ===>pagsasanay lapag + pa- ===>palapag

hiyas + -an ===> hiyasan alab + -an ===> alaban











1,110 view0 komento

Mga Kamakailang Post

Tingnan Lahat

Comments


Post: Blog2_Post
bottom of page