top of page
Maghanap
Larawan ng writerPheng Cou

Barayti ng Wika

Updated: Set 9, 2020


Ani kay Lope K. Santos (Gabay sa Ortograpiyang Filipino, 2009), “naniniwala akong hindi sa utak ng paham tumutubo at umuulad ang mga salita….kundi sa bibig ng madla.” Ang pahayag na ito ay naglalarawan sa barayti ng wika. Ang anumang sitwasyong panlipunan ay marahil isang mahalagang salik kung bakit tumutubo at umuunad ang mga salita sa bibig ng madla. Ito ay may kinalaman sa pakikisalamuha at pakikipagkomunikasyon sa bawat pangangailangan ng tao. At, batayan sa pagkilala sa barayti ng wika ang sino-sino ang nagsasalita, pagkakaiba-iba ng bokabularyo, tono o intonasyon ng pagsasalita, at ang lugar. May iba’t ibang elemento ang pagkilala sa barayti ng wika.

1. Diyalekto at Idyolek

Ang wika ay katumbas ng salitang pinulungan (sa wikang Cebuano )at maari ding tatawaging sinultihan. Ang diyalekto at idyolek ay matatawag na sariling pagsasalita o kinagisnang pagsasalita.

Sa UP Diksyonaryo (2010) na pinatnugutan ni Virgilio Almario, ang wika ay tumutukoy sa mga sumusunod:

· Lawas ng mga salita at sistema ng paggamit sa mga ito na laganap sa isang sambayanan na may

iisang tradisyong pangkultura at pook na tinatahanan.

· Sistema ng tunog na gumagamit ng arbitraryong senyas sa pinagkaisang paraan at pakahulugan

· Senyas at simbolo na isinaalang-alang sa paraang abstrakto na kasalungat ng binibigkas na salita

· Anumang set o sistema ng mga gayong simbolo na ginagamit sa parehong pamamaraan ng isang partikular na pangkat upang magkaintindihan,

· Pabigkas na paggamit ng naturang sistema o lawas ng mga salita.

Makilala ang wika sa kabuuang pagsasalita ng isang pangkat ng tao. Gaya na lamang sa ating bansa ng Pilipinas na sa kalaunan ay nabubuo ang pambansang wika na Filipino (batay sa Tagalog). Maaring ito ay may hangganan bilang isang bansa, may hangganan bilang isang pulo, o maaring hangganan bilang isang rehiyon. Makilala ang pag-iba-iba ng wika dahil sa mga elemento nito gaya ng kalikasan tunog, sistema ng pagsulat, mga alituntuning gramatika, at pagpapakahulugan nito. Ang bawat wika ay may kani-kanilang tunog na bumubuo ng bawat salita. Ang wika at pagsasalita ay magkakasing-kahulugan, ito ang tinutukoy sa panlimang kahulugan ng wika ayon sa UP Diksyonaryo. Dahil sa bawat pagsasalita ay makilala ang kabuuang kalikasan ng isang wika. Ang pagkaiba-iba ng pagsasalita sa pangkat-pangkat ng mga tao ay nagpapakilala sa iba’t ibang diyalekto. Ang pagpapangkat-pangkat na ito ay batay sa hangganan ng lugar o heograpiya.

Ang diyalekto ay nalilinang dahil limitadong pakikipagkomunikasyon sa iba’t bahagi ng komunidad (Comrie, 2009), dagdag pa, ang diyalekto ay makilala bilang kakaiba sa istandard na wika. Ayon sa UP Diksyonaryo(2010), ang diyalekto ay isang anyo ng wikang ginagamit sa isang partikular na pook o rehiyon, isa sa pangkat ng mga wikang kabilang sa isang espesipikong pamilya, at uri ng wikang may sariling bokabularyo, bigkas, gramatika at idyoma na kaiba sa pamantayang wika. Tinatawag itong dialect sa English.

Ang pagsasalita ay makilala rin sa bawat taong nagsasalita ayon sa pansariling katangian nito gaya ng kalidad ng boses at tinig, ang paraan sa pagbigkas at iba pa ay tumutukoy sa idylolek (idiolect). Ito ay makilala sa bawat tagapagsalita sa kanyang pansariling bokabularyo , at “ito ay paraan ng paggamit ng wika sa isang indibidwal” (Ibid, 2010).

Ang diyalekto at idyolek ay mga permanenteng barayti ng wika.



2. Ang Barayti ng Wika sa Komunidad

Ang bawat isa sa komunidad ay may kanya-kanyang antas sa paggamit ng wika dulot sa pinag-aralan, estado ng buhay, papel na ginagampananan, at iba pa. Ipinahayag ni Garcia, et al(2008) na walang ganda ang mundo kung walang pagkakaiba-iba...Tiyak kabilang na dito ang kagandahang dulot sa barayti ng wika.

At, ayon kay Alonzo, 1993 (sa Pangkalinawan et al, 2004) ang kakayahan ng wika na bumuo ng mga salita, kakaibang patern, paraan ng pagsasama-sama ng mga grupo ng mga salita ...ay dahilan kung bakit may barayti ng wika. Ayon kay Fantini, 1974 (sa Pangkalinawan et al, 2004), ang barayti ng wika ay bunga ng ilang mahalagang salik panlipunan tulad ng lugar, paksa, uri ng komunikasyon, gawi ng interaskyon at participant —kalahok sa komunikasyon.

Sa mga kaisipan sa itaas, ang kabuuan nito ay nagsasabi na likas na pangyayari ang pagkakaroon ng barayti at likas na kagandahan ang pag-iba-iba ng ating wikang ginagamit.

Ang barayti ng wika ay maikategoriyang permanente at pansamantala. Ang permanenteng barayti ay may kinalaman sa tagapagsalita; at, ang pansamantala naman ay may kinalaman sa oras o sitwasyon ng pagpapahayag. At ayon paman kay Pangkalinawan et al (2004) ang permanenteng barayti ay binubuo ng diyalekto at idyolek. At, ang sosyolek, jargon, rehistro, islang at argot ay mga pansamantala. Ang mga ito ay magaganap lamang sa mga sitwasyong kinakailangan.

1.Diyalekto— barayti na makilala sa aspektong pagsasalita o speech. Dito makilala ang mga sinaunang katawagan. Nagtataglay ito ng mga salitang pidgin at creole at mga salitang kultural. Sa kasong Cebuano, magkaiba ang Cebuano sa syudad, sa Bantayan, at iba pang lugar na lalawigan. Higit na makilala ang diyalekto ayon sa lugar (Zafra at Constantino, 2001 sa Garcia et al 2008). Sa pagkakaiba ayon sa lugar, halimbawa nito ang tiyan ay naging tijan sa Southern Leyte.

2. Idyolek—ito ang wikang makilala batay sa pansariling katangian ng tagapagsalita. Isang uring barayti na natatangi dahil nasa paraan ito ng paggamit ng isang tao gaya na lamang sa paglikha ng pangungusap, sa diin at tono, sa pagpapakahulugan ng bawat salita at pagbigkas.

3. Sosyolek — ito ang barayti ng wika na kailanganin upang makisalamuha sa iba na may kinalaman sa pamumuhay, relihiyon, sa pag-aaral at iba pang pangkat sa loob ng komunidad. Ibig sabihin nito sa pagkakataong makibagay ang tao sa anumang pakikipag-interaksyon mangyari ang paggamit ng wika na kabilang sa sosyolek. Ayon pa rin kay Garcia et al (2008), ito ang mabigat na dahilan kung bakit ang mga taong may iisang paniniwala, antas ng edukasyon, pamumuhay o maging hanapbuhay ay madalas na magkakasama sa iisang pangkat. Ayon kay Alcaraz, et al(2005) makilala ang diyalekto kaysa sosyolek, dahil ang diyalekto ay wika ayon sa gamit samantalang ang sosyolek ay barayting batay sa gumagamit.

4.Jargonito ang espesyal na bokabularyo na ginagamit sa pangangalakal at pangkat propesyonal upang mauunawaan sa iba pang pangkat. Maaring ang jargon na ginagamit lamang sa pangangalakal ay sa kalaunan ay mangagamit na rin sa teknolohiya. Sa ganitong kaso ang jargon ay magiging rehistro na rin. Halimbawa nito ang salitang monitor na ginagamit sa larangan ng pamamahala na sa kalauna’y, ginagamit din sa katawagang teknolohiya—sa computer. Sa pelikulang India (Mahajaran, 2001), isang opisyal ng pulis na tumutugis sa mga terorista na ang pagpapakahulugan ng “ about turn” ay sit down, kaya nang sumigaw siya sa hukbo na “about turn” at ang lahat ay nagsipag-upo kaya ang naiwan na nagpa-ikot-ikot ang terorista, at agad siya nahuhuli. Ganundin sa special education sa ‘training for a blind” ginagamit ang 9:00 o’clock bilang may kahulugan na kaliwa, at 3:00 o’clock para sa kahulugang kanan, 12:00 o’clock na may kahulugang harapan at 6:00 o’clock.

5. Rehistro o register—ito ay isang uring barayti na may makilala rin sa sitwasyong sosyal ayon sa layunin, paksa, setting, at participant. Kapag ang setting ay nasa hospital at mga kalahok ay doktor at pasyente tungkol sa virus—tiyak ito ay nangangahulugan na nakakahawang sakit o airborne disease.

6. Islang at Argot—ang islang at argot ay kapuwa pabalbal o nonstandard na wika ngunit ang argot ay ginagamit sa isang sekretong pangkat gaya ng mga kriminal. Sa kasong Islang naman, matutukoy din ang pag-iimbento ng mga salita ng mga bakla ay maituturing na kabilang nito, at ang mga imbentong ito ay maaring ring matutunan din sa karamihan. Ganundin ang ginagamit sa texting at sa social media ay maaring nagagamit din sa pasalitang wika-halimbawa na lamang nito ang salitang “selfie” .


. Ang Pansamantalang Barayti

Bukod sa mga barayti ng wika na nababanggit sa sinundang pahina, tinutukoy ni Pangkalinawan et al (2004) na kabilang sa pansamantalang barayti ang register o rehistro, mode at estilo. Ang rehistro ay barayting kaugnay ng panlipunang papel na ginagampanan ng tagapagsalita sa oras ng kanyang pagpapahayag, ang mode ay tumutukoy sa midyum na ginagamit—pasalita o pasulat, at ang estilo ay ang barayting may kaugnayan sa bilang, katangian ng nagsasalita at ng relasyon nito sa kanila.

MGA HALIMBAWANG REHISTRO NA GINAGAMIT SA IBA’T IBANG LARANGAN

Katawagan Kahulugan Ayon sa Iba’t Ibang Larangan

1. Heneral -Pinakamataas na ranggo (Militari)/Pangkalahatan (Wika o Lengguwahe)

2. Tsanel -Estasyon ng telebisyon (Teknolohiya)/Daanan ng mensahe (Komunikasyon)

3. Isyu -Usaping panlipunan (Politika)/Paglabas ng pahayagan o magasin (Pamamahayag)

4. Operasyon -Misyong isakatuparan (Militari)/Paglunas ng sakit sa pamamagitan ng paghiwa ng

alinmang bahaging apektado (Medisina)

5. Komposisyon - Piyesa ng awitin (Musika)/ Pinagsama-samang mga elemento(Agham)

6. Tatakbo -Kumandidato sa eleksiyon(Politika)/ Mailap na kilos ng tao, hayop at sasakyan (Wika)

7. Istrayk - Pagwewelga (Paggawa)/ Nasapol -sa larong bowling (Pampalaksan)

8.Monitor - Pagmamasid sa anumang kaganapan (Pamamahala)/ Bahagi ng computer (Teknolohiya)

9. Papel - Kagamitan sa pagsulat (Wika)/ Tesis, ulat sa pananaliksik, o report (Akademiko)/

Katauhang ginagampanan (Pag-arte)

10. Virus - Mapanirang program (Computer, I.T.)/ Sakit na dala sa hangin (Medisina)


9,229 view0 komento

Mga Kamakailang Post

Tingnan Lahat

Comentarios


Post: Blog2_Post
bottom of page