Filipino Bilang Wikang Pambansa
Nakatala sa Saligang Batas (Art. XIV, Seksyon 6, 1987 Konstitusyon) na ang pambansang wika sa Pilipinas ay tatawaging Filipino, at itinadhana rin sa Seksyon 3 sa parehong artikulo na ang Kongreso sa Pilipinas tungkol sa pagpapaunlad at pagpapatibay ng wikang kakilanlan batay sa mga umiiral na katutubong wika . Ito ang batas na magpatupad sa patuloy na paglinang ng Wikang Pambansang Filipino at nagsasaad na ang bawat Pilipino ay may sariling kakilanlang wikang ginagamit. At, bilang Filipino na Wikang Pambansa bahagi ito sa lahat ng antas ng kurikulum sa layuning matamo ang paglinang ng nasyonalismo at pagpapalaganap ng natatanging kultura.
Depinisyon ng Wikang Filipino
Isinasaad na Filipino ang pasalita at pasulat na katutubong wika sa Metro Manila na pambansang punong rehiyon at sa iba pang sentrong urban sa archipelago, ang ginagamit bilang wika ng komunikasyon ng mga etnikong grupo. Katulad ng alinmang wikang buhay, ang Filipino ay dumaraan sa proseso ng paglinang sa pamamagitan ng panghihiram sa mga wika sa Pilipinas at mga di-katutubong wika, sa sa ebolusyon ng iba’t ibang barayti ng wika para sa iba-ibang sitwasyong sosyal, sa mga nagsasalita nito na may iba’t ibang saligang sosyal, at para sa mga paksa ng talakayan at matalos na pagpapahayag (Resolusyon Blg.1-92 ng Komisyon sa Wikang Filipino sa Mayo 13, 1992). Samantala, sa Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) bilang ahensyang magpapayaman sa wikang pambansa, hango sa Resolusyon blg. 96-1, Agosto, 1996, nagpapakahulugan rin naming “ang Filipino ay ang katutubong wika na ginagamit sa buong bansa bilang wika ng komunikasyon ng mga etnikong grupo.”
Sa mga kaisipang inilalahad, malinaw na ang wikang Filipino ay produkto sa iba’t ibang wikang umiiral sa buong bansa at natatanging magpakikilala sa kultura ng mga Pilipino.
Ang 1987 Alpabetong Filipino
Ang 1987 Alpabetong Filipino ang katawagan ang kasalukuyang alpabeto na may walong(8) karagdagang letra. Ito ang alpabetong nalilinang na mula sa pa sa tinatawag na Alibata (sa panahon bago ang pananakop), Abakadang Tagalog (sa panahon Manuel L. Quezon na binuo ni Lope K. Santos), at Bagong Alpabetong Pilipino (na itinatagtag ng SWP).
Ang 1987 Alpabetong Filipino ay sang-ayon sa itinanadhana ng Konstitusyon 1986 na may kinalaman sa paglinang ng wikang pambansa at muling nireporma ang alpabetong Pilipino gayundin ang mga tuntunin sa ortograpiyang Filipino. Ang reporma ay isinagawa ng Komisyon sa Wikang Filpino (na noo’y Surian ng Wikang Pambansa) sa tulong ng mga lingguwista, dalubwika, manunulat, propesor at mga samahang pangwika. Idinaos ang mga sunod-sunod na simposyum at nabuo ng bagong ortograpiya, hanggang napagpasyahan na ang Albetong Filipino ay buuin lamang sa dalawampu’t walong (28) letra na mga sumusunod: A, B,C, D, E, F, G, H,,, I, J, K, L, M, N, NG, Ñ, O, P, Q, R, S, T, U, V, W, X, Y, at Z. Ang alpabetong ito ay maaring tawagin sa dalawang paraan— pa-Abakada o pa-Ingles na may walong(8) karagdag ang letra na /c, f, j, ñ, q, v, x, z/. Ang tagumpay ng linangan ay ipinalabas tatlong taon ang nakalipas at napagkasunduan bigkasin na lamang gaya ng sa Ingles upang matiyak ang kawastuan nito. Iniharap ang gawain ito sa iba’t ibang kapulungan at kongresong pangwika. At, sa bisa ng Kautusang Pangkagawaran Blg. 81, s. 1987 ng Edukasyon at Kultura at Isports, inilunsad ang 1987 Alpabeto at Patnubay sa Ispeling ng Wikang Filipino. (Ibid, Gabay sa Ortograpiyang Filipino 2009: 3-4).
Tagalog, Batayan sa Paglinang ng Wikang Pambansa
Ang suliraning pangwika sa Pilipinas ay nararanasann na noon pang panahon ng Kastila. Isang malaking suliranin noong ang hindi pagkakaintindihan dahil sa iba’t ibang wikang sinasalita ng bawat pulo. Ang mga Kastila ay nag-aaral ng wikang katutubo upang matugunan nila ang kanilang layunin. Ngunit sa pagdaan ng panahon, dahil ang Ka-Maynilaan ang naging sentro ng bansa, maraming mga Pilipino ang natuto ng Tagalog. Ang Tagalog ay naging lingua franca sa buong bansa at natutunan ng mga sinuman sa simulang makipagsalamuha sa sentro ng bansa.
Alinsunod ng batas Tydings-Mc Duffie o Batas sa Kasarinlan na pinagtibay ni Franklin D. Roosevelt noong Marso 24, 1934 nagkakaroong ng pamahalahaang komonwelt ang Pilipinas, at si Manuel Luis Quezon, ang pangulo ng bansa at si Sergio Osmena bilang pangalawang pangulo—-ang pamahalaang napasailalim ng kapangyarihang Amerikano kailangang magkakaroon ng wikang pambansa ang Pilipinas upang tuluyan itong makalaya sa kasunduang mabigyang kalayaan ang Pilipinas kung ganap na itong makapagtayo ng sariling pamamahala. Kaya sinikap ni Quezon ang matagumpayan na makilala ang wikang panlahat. Sa Saligang Batas 1935 naitadhana na“…ang Kongreso ay gagawa ng mga hakbang ukol sa pagpapaunlad at pagpapatibay ng isang wikang pambansa na batay sa isa sa mga umiiral na katutubong wika.”. Ito ang kauna-unahang batas tungkol sa wika. Mula dito ay nalikha ang surian ng wikang Pambansa upang mamahala sa pag-aaral ng wikang umiiral sa Pilipinas at pagpili ng wikang panlahat.
Noong ika-13 ng Nobyembre 1936 opisyal na nalikha ang Surian ng Wikang Pambansa na pinamumunuan ni Jaime C. de Veyra. Pinag-aralan ang pangunahing wika ang umiiral sa Pilipinas. Ang naging tungkulin ng surian ay magsasagawa ng komporatibong pag-aaral sa mga wika ng Pilipinas at matukoy ang wikang pinakamagaling na maging batayan ng bilang wikang pambansa, ayon sa limang(5) opisyal na kaatasan ng Surian ng Wikang Pambansa(SWP):
1. magsasagawa ng pag-aaral sa mga pangunahing wikang sinasalita ng kabuuan
populasyon ng Pilipinas (na noon ay kalahating milyon lamang)
2. magsasagawa ng komporatibong pag-aaral sa mga pangunahing diyalekto
3. magsusuri at magtiyak sa aspektong ponetika at ortograpiya ng mga pangunahing wika
sa bansa
4. magsasagawa ng komparatibong pag-aaral sa lahat na mga panlapi sa wikang umiiral sa
bansa
5. makapiling wikang batayan sa wikang Pambasa na naaayon sa:
a) wikang pinakamaunlad sa estruktura, mekaniks at literatura; at,
b) wikang tinatanggap at ginagamit sa kasalukuyan sa pinakamaraming Pilipino.
Sa pag-aaral at mga natuklasan, na ang Tagalog ang nagtataglay ng wikang hinahanap ng surian, ang Kautusang Tagapagpaganap Bilang 134, 1937 ng Pamahalaang Komonwelt ay nagpapatibay na Tagalog ang batayan ng wikang Pambansa. May mga matitinding kadahilanan kung bakit Tagalog ang batayan ng wikang pambasa gaya ng mga sumusunod:
1. Sinasalita ito ng karamihan
2. Madaling matutunan dahil wika ito sa sentro ng Pilipinas
3. Tagalog ang ginagamit sa sentro ng Pilipinas
4. Ang wikang Tagalog ay bahagi sa Kasaysayan sa pamamagitan ng mga panulat
sa himagsikan
5. May mga aklat panggramatika at diskyonaryo patungkol sa wikang Tagalog
6. Mayaman sa talasalitaan ang Tagalog
Sa pag-aaral noon ng SWP, lumilitaw na may walong(8) pangunahing wikain o diyalekto sa bansa na ang ma sumusunod: Tagalog, Cebuano, Ilocano, Bicolano, Waray, Pampanggo, Pangasinense, Hiligaynon, ngunit sa kasalukuyan, ang pangunahing wikain o diyalekto sa Pilipinas ay kinabibilangan din ng Tausog, Maranaw at Maguindanaw. Itong 11 wikain sa Pilipinas na ito ay ang batayan sa paglinang ng wikang Pambansa at panghihiram sa mga salitang banyaga na siyang isinasaad ng Seksyon 7, Artikulo XIV ng 1987 Saligang Batas, “ang mga wikang panrehiyon ay pantulong sa mga wikang opisyal sa rehiyon ay magsisilbing pantulong sa mga wikang panturo roon. Dapat itaguyod nang kusa at opsyonal ang Kastila at Arabic.
Ang Timeline ng Wikang Pambansa
(Tuon sa Mga Batas at Probisyon)
Produkto ng lipunang Filipino ang wikang pambansa...(Abad & Ruedas, 2001). Talagang tama ang pahayag na ito dahil ang pagkakaroon ng wikang pambansa ay hindi nakukuha sa maikling panahon may mga legal itong mga kalakaran upang maging ganap na wikang pambansa.
Binatis sa iba’t ibang hanguan na Gabay sa Ortograpiya 2009, Garcia, et al(2008), Maglaya, et al(2003), Bernales et al(2002), at Bernales et al(2000) ay nabuo ang Timeline ng Wikang Pambansa na tumatampok sa mga mahalagang batas at probisyon.
Comments