A. KONSEPTONG PANGWIKA
Kailangang maunawaang maigi ang mga konsepto upang maugnay-ugnay ito sa pag-uunawa sa layunin magagamit itong mahusay at maging tatak ng bawat estudyante ang akademikong Filipino nang sa ganoon sa bawat paggamit ng wika –pasalita o pasulat magtataglay ito ng pagmamalasakit at mauuwi sa kawastuan. Sa panahong ito na pinapairal na ang K to 12 na Kurikulum kailangang lalong paiibayuhin ang pag-aaral ng wika upang matugunan ang pangangailangan. Kung titingnan ang mga kaisipang wika, makilala ang diyalekto at idyolek bilang mga kongkretong bagay. Ang ang diyalekto at idyolek ay bahagi sa isang wika. Ang diyalekto ay bahagi ng wika, ang idyolek ay bahagi rin ng diyalekto. Kung batay naman sa paggamit, ang anumang mga gawain natin– personal o transaksyonal, ay nangangailangan ng wika. Ang wika ay malaking bagay sa buhay ng tao tungo sa pakikisalamuha sa iba upang matugunan ang iba’t ibang pangangailangan mula sa personal hanggang sa mga komplikadong kailangan. Ayon pa kay Lumbera (2005), parang hininga na ang wika sa bawat sandali ng buhay natin ay nariyan na ito. Ito ay nangangahulugang hindi maiwalay ang wika sa ating pagkatao. Ang wika ay kumakatawan sa isa sa pinakamalakas na buklod na nag-iisa sa tao pinalaganap ng pagkakakaisa ang pambansang mithiin, layunin at damdamin (Guamen et al, 1986). At sa panig ng mga estudyante, nararapat na maunawaan at mapapahalagahan kung ano ang wika sa buhay ng tao, at ano ang ginagampanan ng wika sa pampersonal na komunikasyon, sa akademikong kalakaran at sa pambansang kasulungan. Sa kahulugan ng wika ayon kay Gleason (sa Santiago 1974), ang wika ay masistemang balangkas ng tunog, isinaayos sa paraang artbitraryo at ginagamit sa komunikasyon sa mga taong may iisang kultura, inilalarawan dito ang kahalagahan ng wika sa komunikasyon, at paano naging hagdanan ng kultura ang wika at higit sa lahat ang ipinapahiwatig dito ang iba’t ibang wikang umiiral sa buong daigdig.
KATANGIAN NG WIKA
Batay sa panulat nina Gleason, Emmert at Donagby sa Santiago (1974:24) ay matutukoy ang mga pangunahing katangian ng wika tulad ng mga sumusunod:
1. Ang Wika ay Masistemang Balangkas. May apat na antas ang pag-aaral ng wika—una, ang ponolohiya; pangalawa ang morpolohiya; at ang pangatlo ang sintaksis, hanggang sa diskurso na may kinalaman sa pagbuo at pagpapakahulugan ng pahayag sa pakikipagkomunikasyon, pasulat at pasalita. Pinag-aaralan sa ponolohiya ang mga tunog. Ang mga tunog na ito ay tinatawag na ponema. Mula sa mga ponema ay nabubuo ang mga maliliit na yunit ng salita. Ang mga salita ay nabubuo sa pamaamagitan ng mga pagsama-sama ng mga morpema. Ang pag-aaral na iyon ay tinatawag na morpolohiya. At, sa pagbuo naman ng mga pangungusap, may mga tuntunin kung paano pagsama-samahin ang mga salita, ang pag-aaral na ito ay tinatawag na sintaksis. Sa sintaksis ay magaganap ang pag-aaral ng mga lipon ng mga salita sa loob ng pangungusap. Samantala, kung pinag-aralan naman ang mga pangungusap upang makabuo ng mabisang pagpaphayag, ito na ang pinakamataas na antas sa pag-aaral ng wika, ito ay tinatawag na diskurso. Tuon sa antas na diskurso ang pagpapahayag na pasalita o pasulat at kung paano magpapalitan ng mensahe sa mabisang paraan. Sa ang apat(4) na aspektong ito bilang antas ng pag-aaral ng wika ay makilala ang masistemang balangkas nito dahil ang bawat antas nito ay nagpapakilala sa kakanyahan ng wika.
2. Ang Wika ay Sinasalitang Tunog na Isinasaayos. Nagmumula sa makabuluhang tunog ang bawat titik at nabubuo ang wika dahil sa pinagsama-samang titik na nanggagaling sa tunog. Hindi ito karaniwang tunog na malilikha ng hayop, pagkabangga-bangga ng mga bagay-bagay ngunit tunog ito buhat sa mekanismo ng pagsasalita: mula sa hanging hinihinga galing sa baga, pagkatal ng mga babagtingang pantinig at pagsaltik ng dila at pagkokontrol ng hangin na maaring ipapalabas sa bibig o sa ilong, maging sa pagtaas at pagbaba ng boses, paghinga at paglakas ng bigkas ng bawat salita at ang bawat pagtigil sa pagsasalita. Lahat na ito ay naglalarawan sa kaisipang isinasalitang tunog. Tao lamang ang ang makapagsalita. Lumabas sa pag-aaral ng mga lingguwista ang mga kalikasan ng mga salita gaya ng pagpapantig, pagkilala ng mga klaster, pagkilala ng mga pares minimal, at ganoon din sa antas ng palaugnayan— ang simuno at panag-uri sa pangungusap, ang paggamit ng mga panuring at iba pang mga alituntuning panggramatika. Ang mga ito ay ang mga pagsasaayos ng wika.
Ang pagpipili ay ang kung papaano tinatanggap ang mga salita o bokabularyo na matatawag nating pormal o di-pormal at kailan makabuo ng mabisang pahayag na naayos sa wastong gamit ng mga salita.
4. Ang Wika ay Arbitraryo . Arbitraryo ang wika kaya dumidepende ang gamit ng mga salita sa emosyong ipinapahiwatig ng nagsasalita. Ang kaisipang ito ay nagpapahiwatig na ang bawat katawagan o termino sa isang wika ay hindi sinsadyang ganoon at ganyan, ito lamang ay nalilikha sa mga taong gumagamit nito, Kung paano lumitaw ang mga katawagan sinasalita bilang representasyon ng mga ideya at mga emosyon ay hindi masyadong maipaliwanag, Walang nakatitiyak kung bakit ang daga (rat) ay hindi tinatawag na elepante, at ang elepante ay hindi naman daga.
5.Ang Wika ay Ginagamit . Makakalimutan lamang at tuluyang mawawala ang wika kung hindi gagamitin. Makilala at natutunan ang wika dahil sa paggamit nito sa pangangailangan sa komunikasyon—pasalita at pasulat na nailalahad ni Gordon Wells, M. A. K, Halliday at Dell Hymes ang iba’t ibang gamit at tungkulin ng wika sa komunikasyon. Ang mga salitang umiiral sa kasalukuyan ay natutunan dahil ito ginagamit. May mga pagbabago-bago sa pagbigkas ng salita at hanggang tuluyang tinatanggap na dahil ito sa kusang paggamit nito. Ang mga salitang likha ay kusang natutunan dahil pangangailangan sa pagpapahayag ng kaisipan. Napag-aralan at na-intelektwalays ang wika dahil gangamit. Ang wikang bernakular ay uusbong ngayon dahil naisa-kurikulum na at mga may panuntunan sa pagtuturo na MTB/MLE, ito ay naglalarawan sa paggamit ng wika. Sa kabilang banda, kapag walang wika walang magagamit sa pagpapahayag ng kaisipan at damdamin, at upang may magagamit sa lahat na pagkakataon, nanghiram ang wika, at ito ay isang natural na pangyayari lamang sa alinmang wikang buhay o patuloy na bahagi ng sangkatauhan.
6. Ang Wika ay Nakabatay sa Kultura. Bahagi sa kultura ang wika, ang anumang mga salitang mabubuo at nalalapatan ng kahulugan ay dahil sa kulturang mayroon ang isang pangkat at makilala ito sa pagbabago ng henerasyon. Nang ang sandaigdigan ay napupuno na ng iba’t ibang naimbentong bagay, umpisa ring nadagdagan ang unibersal na bokabularyo. Sumasalamin sa ating mga diyalekto ang kultura ng ating komunidad. Ang katawagang “duyan”, “kalabaw” “hadji”, “palay” “palayok’, bilao, at sa mga katawagang Bisaya na lusong, alho, lubok, nigo, pagdaro, pagsanggi, inun-unan, pina-isan, biko, bagyo, linog at iba pa pa. Ang mga ito ay tanda lamang sa ating kultura na iba kaysa ibang bansa. Sa bawat aspekto ng ating mga pamumuhay at uri ng kabihasnan ay may mga salitang tumutugma nito.
7. Ang Wika ay Nagbabago . Buhay at aktibo ang wika na katulad ng tao ay mabilis itong nagbabago. Mabilis na makalilikha ng mga bagong salita kaalinsabay sa pagbabago ng estruktura nito. May mga katawagang makakalimutan at may mga katawagang tinatanggap. Ang paano magbuo ng pangungusap ngayon ay maaring magkaiba kaysa mga nauunang mga Pilipino. Ito lamang ay resulta sa pagbabago ng panahon. Sa ngayon maraming manunulat sa medya na ginagamit ang magkahalong katawagan na Filipino at English.Iyon lamang ay patunay na ang wika ay nagbabago. Isang ebidensiya sa pagbabagong ito ang pagkakaroon ng wikang pidgin at creole—at ang pag-usbong ng iba’t ibang diyalekto.
8. Ang Wika ay Kapangyarihan. Naging makabuluhan at nalilinang ang sistema ng batas at politika dahil sa wika. Lalong napapamalas at naipapamana ang mga kaalaman dahil sa wika. Ito ang nagsasaad sa kapangyarihan ng wika. Umiiral ang kapayapaan sa buong daigdig dahil sa wika. Nalulutas ang mga suliranin at naipalaganap ang mga gawaing pangkapayapaan dahil sa wika. At sinasabing, walang ibang wikang magdala ng mga Pilipino tungo sa mataas na kalidad ng edukasyon kundi ang paggamit ng pangunahing wika bilang pantuto. Kung paano napapahalagahan ang wikang panrehiyon ngayon sa kurikulum ng K+12 ay naglalarawan sa kapangyarihan ng wika. Ang Cebuano ay makapangyarihang makapag-unawa ng mga taga-Cebu at iba pang panig sa ka-Bisayaan na kumilala ng Cebuano bilang diyalektong heograpikal.
Ang kaisipang inihahayag ni M.A. K Halliday ay kahawig sa mga kaisipan nina Dell Hymes(1974) at Gordon Wells (1981) tungkol sa tungkulin ng wika. Sa pag-uuri-uri ni Hymes, ang tungkulin ng wika ay makipag-usap, magtatanong, magpapasalamat, magmumungkahi, makikipagtalo, magsalaysay, samantala, ayon naman kay at Gordon Wells (1981) ang tungkulin ng wika ay pagkontrol sa gawi ng iba (controlling), pagbabahagi ng damdamin (share feelings), pagbibigay o pagkuha ng Informasyon (Informing) pagpapanitili ng pakikipagkapwa, at pakikipag-interaksyon sa kapwa (ritualizing).
Comentários