Ang mga teorya sa pagbasa ay nagpapaliwanag kung paano matamo ang pag-unawa sa binasa. Nagpapaliwanag kung anong taglay na kakayahan ang mambabasa, anong mayroon sa tekstong binabasa tungo sa pagbasa at higit sa lahat tinitingnan ang pagbasa bilang proseso. Ang mga kaisipang pinanghawakan kaisipan ng bawat teorya ito ay nagsisilbing gabay upang mapamahalaan ang sarili sa gawaing pagbasa, lalong-lalo ang sinumang estudyanteng kolehiyo.
Ang mga teoryang inilalahad sa bahaging ito ay mula sa mga pag-aaral na dayuhan at halaw sa mga panulat nina Badayos,(199), ( Arrogante et al (2007:11-17) at Buendicho, 2007:64-68) matutunghayan ang mga mahalagang impormasyon hinggil sa mga teorya ng pagbasa:
1. TEORYANG ISKEMA
Sa panulat ni John Locke(1690) na An Essay Concerning Human Understanding (Incarta Premium 2009) , ipinapalagay na sa pagsilang, ang isipan ng tao ay tabula raza o blank states. Nangangahulugang blanko ang isipan, at ang blankong isipan ay unti-unting mapupunan ng mga impormasyon dahil sa mga karanasan ng tao. Ang bawat natutunan ng tao ay maging iskema sa isipan. Sa teoryang ito, bawat bagong impormasyong makukuha sa pagbasa ay naidagdag sa dati nang iskema. Ang iskema na ito ay ang mga nakaimbak na kaalaman. Maaring makapanghuhula ang mambabasa sa tulong ng kanyang taglay na dating kaalaman. Magawang basahin ang teksto upang mapatunayan ng mambabasa ang kanyang mga hinuha at hula. Nagsisilbing “inputs” ang teksto. Hindi ang teksto ang iniikutan ng proseso ng pagbasa kundi ang konsepto o kaisipang nabubuo sa isipan ng mambabasa. Inilalarawan ang prosesong ito bilang teoryang sikolohikal sapagkat ang teksto ay nagbibigay lamang ng direksyon sa mambabasa kung paano mabuo ang pagpapakahulugan.
2. TEORYANG BOTTOM-UP
Ang teoryang ito ay bunga sa tradisyonal na pananaw ng mga Behaviorist na nakapokus sa paglinang ng komprehensyon ng pagbasa. Ang “bottom” ay nangangahulugang ang mismong teksto o materyal, at ang “up” naman ay nangangahulugang mambabasa. Pinaghawakan sa teoryang ito na ang pag-unawa sa binasa ay nag-umpisa sa pagkilala sa mga serye ng mga simbolong nakalimbag. Mula sa mga letra na nabubuo ang mga salita, sa mga pinagsama-samang mga salita ay nabubuo ang mga parirala, at mula sa mga pinagdugtong-dugtong na mga parirala ay nabubuo ang mga pahayag sa pagitan ng mga pangungusap. Sa kalagayang iyon, ang pag-unawa sa mensahe ay mahalagang pangyayari, at ito’y matatawag na tugon o response mula sa mga serye ng mga simbolo (graphical inputs) na siyang nagsisilbing panawag-pansin o stimulus . Ang pag-unawa ay matamo payugto-yugto o limitado bago paman makukuha ang buong konsepto o mensahe. Ang modelo sa ibaba ay nagpapakilala na ang ideyang Walang Kaunting naiipon na nakukulang, at walang maraming naiipon na sumusubra” ay nalalaman ng mamababasa dahil sa teksto. At mula sa mensahe na iyon ay gumagana ang pag-iisip ng mambabasa bilang pag-unawa nito. Ayon kay Leonard Bloomfield (1961) na isang lingguwista na istrukturalista, ang unang task sa pagbasa ay ang pagkilala ng mga code at alphabetic principle. Sang-ayon sa kaisipan ni Bloomfield, ang teoryang ito ay nagsasabi na ang sinumang mambabasa ay kailangang may kakayahang unawain ang mga simbolong pangwika gaya ng mga letra, kahulugan ng bawat salita o kaisipan at anupamang mga krokis na makikita at mga talababa upang pagsama-samahin ito hanggang maunawaan mensaheng taglay nito. Kung walang mga simbolong pangwika hindi rin mangyari ang pag-unawa sa mga mensahe. Sa kasong pagkakatuto, ang mga estudyante nasa kolehiyo ay may ganap na kakayahan sa pagkilala ng mga serye ng simbolong wikang Filipino at English kaya walang puwang naman dito ang hindi pagkakaunawa sa binasa.
3. TEORYANG TOP-DOWN
Sa impluwensiya ng Gestalt Psychology na naniniwala na ang pagbasa ay isang holistic na proseso, ang teoryang ito ay nananalig na ang pagbasa ay nakasalalay sa kakayahan ng mambabasa. Ang mambabasa ay may dating kaalaman at kakayahang pangwika. Aktibong kalahok ang mambabasa dahil siya ay may dating kaalaman na magagamit upang iugnay sa mga bagong impormasyon upang atamo ang pag-unawa sa binasa. Samantala, sa kakayahang pangwika na sumasaklaw sa iba’t ibang antas gaya ng sa graphical symbols, phonemic, alphabetic and sound-spelling principle at sa mismong bokabularyo, sintaktik, semanteka, at sa kabuuang diskurso ay siyang makatulong upang matitiyak ang pagpapakahulugan ng teksto ayon sa ibig ipahiwatig ng awtor.
Ang Teoryang Top-Down matatawag ring Teoryang Kognitibo na naniniwalang ang pagbasa ay nagmula sa isip ng mambabasa (up) patungo sa teksto. Sa mga pinanghawakang kaisipan, ang toerya na ito ay tinatawag ding Inside-Out o Conceptuality Driven. Bilang proseso, ito ay sang-ayon sa pananaw ni Coady (?) sa pagpaplawak niya sa kahulugan ng pagbasa mula kay Goodman (1976) na ang sa pagbasa ay kailangan ang kakayahang pangkaisipan. Sa pangkalahatan, bilang aktibong kalahok/ partisipant, ang mambabasa , siya ay may maituturing nag-angkin ng kakayahang pangkaisipan, dating kaalaman, at kakayahang pangwika na naging kasangkapan upang matamo ang pag-unawa sa binasa.
Sa modelo, ang mambabasa ay nakapag-ugnay-ugnay ng kanyang maraming nalalaman tungo sa kanyang binabasang teksto. Sa pag-uugnay-ugnay niya ay nagaganap sa pamamagitan ng mga tanong at hinuna niya.
4. TEORYANG INTERAKTIBO
Ito ay proseso na nagagamit ang lahat na dating kaalaman dahil sa pagbasa ng teksto . Ilan sa mga proponent ng teoryang ito ay sina Rumelhart, D (1985), Barr, Sadow and Blachiwicz(1990) at Ruddell and Speaker (1985)na pinaniniwalaang ang pagbasa kapwa prosesong bottom-up at top-down. Sa mga hiwa-hiwalay na pananaliksik ang kalagayang ito ay naipapaliwanag na ang mambabasa ay makabuo ng kaisipan mula sa mga piling impormasyon buhat sa kabuuang kahulugan,kaya ang teksto ay nagsisilbing input. Ganundin ang pagbabasa ay nagsisilbing input sa pagkakataon nakipag-interaksyon sa teksto. Sa madaling salita dalawa ang maaring daanan ng input—ang mga impormasyon mula sa teksto at ang pangalawa ay ang pag-unawa sa binasa. Ito ay prosesong kung saan pinagsama-sama ang mga tekstwal na impormasyon na maibibigay ng mga mababasa sa teksto. Ang mga tekstwal na impormasyon ay nagsisilbing ekstensyon patungo sa utak ng mambabasa, at dahil dito nagkaroon ng aktibasyon ang utak ng mambabasa o parang diyalogo sa pagitan ng teksto at mambabasa sa direksyong pabalik-balik.
Sa prosesong ito, may dalawang direksyon ang komprehensiyon ng pagbasa: ibaba-pataas, at itaas-pababa (Badayos, 1999:205). Sa dalawang direksyon mangyari ang interaktibong proseso. Interaktibong proseso dahil ang mambabasa ay hindi lamang nakabatay sa kung anong mayroon ang teksto ngunit ginagamit din niya ang kanyang dating kaalaman at karanasan pati na ang kakayahang pangwika para matamo ang komprehensiyon ng pagbasa. Mahalagang elemento dito ang wika (ginagamit sa pagsulat) at kaisipan ng awtor at sa pag-unawa nito (sa panig ng mambabasa), dito naganap ang interaksyon ng mambabasa at manunulat o awtor. Sa pananaw na ito, naging maluwag ang pag-unawa tungo sa aspetong pagtuturo ng pagbasa (lalo na sa guro) na ang bawat mambabasa ay may taglay kakayahan, isang hakbang upang produktibo at makabuluhan ang pagbasa, at sa ganitong sitwasyon maunawaan din ng estudyante ang sariling kakayahan sa pagbasa. Mamalayan niya ang angking mga kaalaman at ang kakayahan, pati na ang wala sa kanya.
Sa lawaran sa ibaba, ang pagbasa ay parang interaksyon ng dalawang panig, ang manunulat ay parang kaharap ng mga mambabasa na may patuloy na tanong-sagot bilang interaksyon.
5. TEORYANG METAKOGNISYON
Sa teoryang ito, pinaghahawakan na ang mga katawagang pagkatuto at kognitibo ay may iisang kahulugan. Itinuturing na isang kognitibo ang pagkakatuto dahil ang pagkakatuto ay may kinalaman sa paggamit ng pag-iisip.
Ang kognisyon naman ay ang kapasidad ng tao na matuto. Sa ganitong punto, ang kamalayan sa sariling kapasidad sa pag-iisip upang matuto ay mahalaga rin upang magabayan at mapamahalaan ang sarili tungo sa mga gawaing pagkatuto gaya na lamang sa gawaing pagbasa.
Ang intelehensiya ay nangangahulugang pangkalahatang kapasidad ng pag-iisip (Spearman, 1904) at naging salik ito kung paano malinang ng tao kanyang karunungan. Ang pagbasa ay isa sa mga paraan upang malinang ang karunungan. Kung pag-usapan paano matutuo sa pagbasa, ang anumang taglay na kakayahang ng isang tao na makatutulong sa kanya ay mga elemento sa metakognitibong pagabasa tulad ng mga sumusunod ayon kay Steck–Vaughn(sa Alejo et al, 2008): pag-unawa, kahusayan, bokabularyo o talasalitaan, palabigkasan o palatunugan, at pwede naman nating ipapabilang ang ating mga kakayahang kahawig sa mga nababanggit gaya ng: pag-interpret at pagsusuri ng mga ideya, at pag-uugnay ng mga kaisipan mula sa binabasa.
Buhat sa mga nababanggit, masasabing ang teoryang metakognisyon nakatuon sa intelehensiya ng tao na magagamit niya sa pagbasa.
Sa teoryang ito ay ipinapahayag na ang nakasalalay sa kapasidad ng pag-iisip ang pag-unawa ng pagbasa. Maaring ang mahirap na teksto ay madaling unawain sa isang taong may matalas ang pag-iisip at mahirap naman sa isang tao kung siya ay may mahinang kapasidad ng pag-iisip.
Comments