Naging instinct na ng tao ang gawaing pagbasa dahil sa taglay na kakayahang paningin. Mata at paningin ang bintana sa gawaing ito tungo sa prosesong pangkaisipan na siyang gumagamit sa mga nakaimbak na kaalaman at mga karanasan. Sa mga batang may murang edad na nilalantad sa panonood ng TV, paggamit ng computer at nag-umpisa nang mag-aral, at iba pang mga gawain, kahit hindi masyadong natutong kumilala ng mga simbolong pangwika, mangyari sa kanila ang tinatawag na iconic reading, na naging susi sa pag-unawa ng mga simbolong makikita. Gaya na lamang sa paggamit ng toilet na na may simbolong kumakatawan sa kasariang babae at kasariang lalaki. Maaring magtataka lamang ang sinumang magmamasid ng apat na taong gulang na bata na nakapadaling magpindot-pindot ng keyboard ng computer at nagawang pang maglaro na mag-isa. Ganundin ang paggamit ng anumang makabagonggadget. Ang mga pangyayaring iyon ay may kinalaman sa iconic reading hanggang matutunan ang pagbasa ng mga simbolong pangwika bilang isang prosesong pangkaisipan. Sa pagbasa ng mga purong teksto na walang mga larawan, maiba rin ang antas ng kasanayang kailangan kung pag-usapan ang pagkakatuto ng isang bata. Kaya mahalagang linangin at mabatid ang kalikasan ng pagbasa upang mapakibagayan ang anumang kakayahang angkin ng isang tao—isang estudyante. At dahil layunin ng akademikong larangan ang paglinang ng kakayahan pagbasa, dapat papapahalagahan at linangin ito dahil ang pagbasa ay susi upang matamo ang mga pamantayang pang-akademiko sapagkat tinataya ang karunungan ng mga estudyante batay sa mga makrong kasanayan. At mula dito maaasahang sila’y epektibo sa kani-kanilang mga gawain at tungkulin.
Sa Filipino 2, nilalayong maging isang kritikal na mambabasa ang mga estudyante dahil kailangang nitong makapaghahanda ng isang papel pananaliksik. Sa kabanatang ito, mahalagang mababatid ang kilalang mga manunulat na dayuhan at Pilipino sa pagpapakahulugan at pagtatalakay ng pagbasa at ano ang kalikasan nito bilang isang makrong kasanayang pangwika.
KAHULUGAN NG PAGBASA
Sa Filipino 2, nilalayong maging isang kritikal na mambabasa ang mga estudyante dahil kailangang nitong makapaghahanda ng isang papel pananaliksik. Sa kabanatang ito, mahalagang mababatid ang kilalang mga manunulat na dayuhan at Pilipino sa pagpapakahulugan at pagtatalakay ng pagbasa at ano ang kalikasan nito bilang isang makrong kasanayang pangwika.
1. Ayon kay Frank Smith, 1973 (sa Buendicho, 2007), ang pagbasa ay prosesong komunikasyon sa paghahatid ng impormasyon sa pamamagitan ng isang midyum patungo sa tagatanggap.
2. Ayon naman kay Goodman, 1976 (sa Badayos, 1999:191), ang pagbasa ay isang “psycholinguistic guessing game” kung saang ang mambabasa ay nagbubuong muli ng isang mensahe o kaisipang hango sa tekstong binasa. Ang gawaing ito ay ng pagbibigay kahulugan ay isang patuloy na prosesong siklikal buhat sa teksto, sariling paghahaka o paghuhula, pagtataya, pagpapatunay, pagrerebisa, ibayo pang pagpapakahulugan
3. Sa elaborasyon ni Coady(1967, 1971, 1976) sa kahulugan ni Goodman, tinatampok niya ang dating kaalaman ng tagabasa ay maiugnay sa kakayahang bumuo ng mga konsepto/ kaisipan at kasanayan sa pagbuo sa pagpoproseso ng mga impormasyong masasalamin sa teksto ”.
4. Pinapahalagahan ni Arrogante et al (2007: 32) ang simple at madaling maintindihan na kahulugan ng pagbasa mula kay Urquhart at Weir (1998), na “ang pagbasa ay isang proseso ng pagtanggap at pag-interpreta ng mga impormasyong nakakoda sa anyo ng wika sa pamamagitan ng limbag na midyum .”
5. Samantala, ang pagbasa ay interpretasyon ng mga nakalimbag na simbolo ng kaisipan. Pagpapakahulugan ito ng mga nakatitik na sagisag ng mga kaisipan (Tumangan, Sr. (1997:80).
Kapwa nababanggit ang mga katawagang interpretasyon o pagpapakahulugan na ang ibig sabihin ay ang pagbasa ay isang prosesong pangkaisipan dahil ginagamit ng mambabasa ang pag-uunawa, at hindi naman nababanggit ang tungkol sa pagbasa ng teksto na nakasulat sa ibang wika bukod sa pagbasa gamit ang unang wika, kaya masasabi dito na ang pagbasa ay dumaan sa prosesong pagsasaling bago mangyayari ang papapakahulugan kung ang teksto ay nailalahad sa ibang wika.
At, mula sa mga kahulugang inilalahad sa itaas, ito’y tumutukoy sa kaisipang ang pagbasa ay ang gawaing pagkilala sa mga simbolong pangwika, pagsasalin nito at pagkuha sa mga mensaheng napapaloob ng pahayag na ang pangunahing layunin ay upang maunawaan ang buong teksto. Ito ay nagsasaad ng isang komplikadong gawaing pangkaisipan sapagkat sanga-sangang mga kasanayan ang mga kinakailangan nito gaya na lamang sa kasanayang pangwika at semantekang kaalaman. Komplikadong gawain ito dahil sangkot dito ang maraming bagay sa panig ng mambabasa mula sa pisikal patungong sikolohikal at iba pang mga aspeto. Bilang isang komplikadong gawain, ito ay isang mahalagang kakayahang pang-akademiko na dapat maunawaan linangin ng mga estudyante, at sa paglilinang nito, dapat munang maunawan ng sinuman ang kanyang sariling kakayahan sa pagbasa.
Sa aklat ni Garcia et. al (2008:3-4) tinatalakay ang halaga ng pagbasa tungo sa isang tao mula sa kaisipan ni Lord Chesterfield, “ Ang isang taong nagbabasa ay isang taong nangunguna”. Walang alinlangang ito’y totoo saanmang disiplina ang pag-uusapan. Lagi nang nakakalamang ang mga tao kapag nagsasalita kung may batayan ang kanyang sinasabi sapagkat ang mga ito’y nailimbag na at tinatanggap na ng higit na nakararami.
Madaling makapag-isip ang tao kapag siya ay palaging nagbabasa ng iba’t ibang impormasyon, at para sa mga estudyante walang puwang ang kawalan ng kaalaman sa tiyak na asignatura kapag magbabasa lamang.
PAGBASA: PROSESONG PAG-ISIP
“Reading is reasoning” ayon kay Thorndike (Buendicho,2010:56).Sa pahayag na ito, malinaw na ipinapahayag na ang pagbasa ay sumusukat sa pag-iisip at pag-unawa ng mambabasa gamit ang kanyang iba pang mga kakayahan. At, hango naman sa panulat nina Arrogante, et al (2007:38-39) at Pangkalinawan, et.al (2004:172) ang pagbasa ay pagkuha ng ideya sa nakalimbag na simbolo, at ito ay isang prosesong pag-iisip na may apat na may apat na hakbang ayon kay William Gray, (ang dayuhang ama ng pagbasa) ang persepsyon, komprehensiyon, reaksyon at integrasyon.
Bilang prosesong pag-iisip, aangat na aangat ang pag-iisip sa pagkakataong ang sinuman ay nagbabasa mula sa pagkilala sa mga simbolong nakalimbag gamit ang sensoring paningin. Dito mangyari ang persepsyon, patungo sa pagbuo ng/ng mga bagong konsepto gamit ang kanyang kakayahang pangwika, at ito naman ang komprehensyon, at mula sa yugtong ito, kagyat na mangyri ang reaksyon at aplikasyon sa paraang lalalim at lalalim pa ang pag-iisip ng mambabasa tungo sa pagsusuri at pagpapasya sa mga kontekstong napapaloob sa tulong ng dating kaalaman at at makapag-ugnay-ugnay sa mga kaisipang natatanggap tungo sa kanyang mga dating kaalaman at mga sariling karanasan na siyang yugtong integrasyon o asimilasyon.
May limang(5) dimensiyon ang pag-unawa sa binasa bilang mga kasanayang upang ganap na maunawaan ang binasa: (1) pag-unawang literal, (2) pagbibigay –interpretasyon, (3) mapanuri o kritikal na pagbasa, (4) pag-unawang-integratibo, at (3) malikhaing pag-unawa. Sa mga dimensiyong ito ay magaganap sa pangalawa hanggang sa pang-apat na hakbang sa proseso ng pagbasa. Ang antas na ito ay kinapapalooban ng mga maykrong kasanayan na nahahati dalawan: pagpansin ng mga simbolong nakalimbag at pag-unawa sa mensahe ng teksto. At, ang bawat isa nito ay mga tiyak din na mga maykrong kasanayan gaya ng paggamit sa mga natandang impormasyon, pagkuha sa malalim na kahulugan at iba pa.
Ang bokabularyo o talasalitaan, kahusayan, pag-unawa at palabigkasan at palatunugan ay mga elemento ng pagbasa sa antas ng pagkakatuto ng mga bata ayon kay Steck-Vaughn (Alejo et al, 2008: 33). Kaya mula sa mga elementong nababanggit, higit na mapalawak ang kasanayang pagbasa ng mga estudyante kung mabigyang kabulugan ang mga iyon, at gaano ito tinataglay ng bawat isang mambabasa.
KAPARAANAN SA PAGBASA
Iba-iba ang kakayahan ng pagbasa, kaya kailangan ng kaparaanan
upang matamo ang pagbasa angkop sa layunin ng pagbasa. Sa
pagtapos ng kurikulum, inaasahang ang mga estudyante ay mahubog
sa mga kaisipang dapat matutunan upang maiaplay sa tunay na buhay tungo sa isang mabuting mamamayan. Walang puwang sa buhay ang pagiging
“walang alam” hanggat may gabay sa pag-aaral. Naririto ang iba’t
ibang kaparaanan sa pagbasa na siyang magagamit sa mga
estudyante sa pag-aaral sa iba’t ibang asignatura at upang
makamit ang hinahangad na matataas na marka nang sa ganun
kahimut-an sa mga taong nagsusubaybay sa kanya.
Naririto ang mga kaparaanan o teknik na angkop sa pagbasa ng mga tekstong pang-agham na hango sa iminumungkahi ni Wiriyachitra(1982) sa panulat ni Dr. Buendicho (2007:4-5):
1.) ISKIMING. Ginagamit ito sa pagpili ng aklat o materyal ayon sa pangangailangan.
Sa kaparaanang ito ay mangyayari ang mga sumusunod:
A. Ang pagtatangka kung ang nilalaman ng aklat o mpormasyon ng isang materyal ay
nagtataglay ng mga impormasyong hinahanap (previewing.)
B. Pag-alam sa layunin at saklaw ng babasahin kung sang-ayon ba sa kawilihan o
interest (overviewing.).
C. Pag-alam sa panlahat na kaisipan ng isang aklat o materyal sa pamamagitan ng mga
iilang impormasyon ng aklat na mababasa sa likod na pabalat batay sa isang tiyak na
materyal naman mababasa ito sa bahaging kongklusyon o pangwakas na
bahagi (survey) .
2.) ISKANING. Sa kaparaanang ito kailangan ang mabilis na galaw ng mata. Matamo ito sa pamamagitan ng pagsipat sa bawat pahina ayon sa hinahanap na mga tiyak na impormasyon tulad ng pangalan ng tao, petsa, katawagan at iba pa. Kailangan alam ng mambabasa ang mga susing kaisipan at basahin lamang ang mga tiyak na talata o bahagi.
3.) KOMPREHENSIBO. Ito ay pagbasang matrabaho, mapamigang pag-iisip at nakakapagod dahil maraming hiwalay na gawain ang pwedeng mangyari tulad na lamang ng pagsusuri, pagpupuna, pagpapahalaga, pagbibigay reaksyon o anupamang mga pagtataya sa binabasa. Kailangang isa-isahing basahin ang mga detalye hanggang maintindihan itong mabuti. Sa kaparaanang ito ay masisiguro na lubos na maunawaan ang mga aralin ( Arrogante, et al, 2007: 52-54).
4.) KRITIKAL. Tuon nito ang ebidensiya at kawastuan ng mga kaisipan o konsepto na maisasanib sa sarili , sa buong pagkatao upang magamit ito sa karunungan, asal, gawi at maisasabuhay nang may pananagutan at naglalayuning makalikha at makatuklas ng mga panibagong konsepto na kakaibang anyo na maisasanib sa kapaligirang sosyal at kultural.
5.) MULING-BASA. May mga babasahing nagtataglay ng maraming kaisipan, kaya nga ang pagbabasang muli ay mangyari, dahil may mga babasahin o teksto na sa unang pagbasa ay hindi agad maintindihan, kapag pauli-ulit ang pagbasa ay lilitaw na ang mga natatagong kaisipan. Kailangang paulit-ulit upang matuklasan ang hindi pa natanto. Isa itong mahalagang kaparaanan sa pagsasagawa ng pananaliksik at sa mga klasikal namateryales. Sa pagbasa ng mga teknikal na teksto at pampanitikan ay kailangan ang muling basa.
6.) BASANG-TALA. Isang magandang gawain ng sinumang nagbabasa ay magtala sa mga konseptong nabubuo, magtala sa mga bokabularyo, at magtala sa mga makabuluhang kaisipan at magtala sa mga kaisipan at detalye. Maaring itatala lamang ang mga kaisipan sa hiwalay na papel o kaya’y sa pahina mismo. Sa ganitong uri, naging sabay ang pagbasa at ang pagtatala. Masusukat ang kakayahan ng mambabasa kung paano niya inuunawa at inuugnay ang mga bagong kaisipan o konsepto dahil sa kanyang pagtatala ay kayang niyang maipahayag sa kanyang sariling pananalita o simpleng paraan.
Comments