Ang antas ng kakayahan sa pag-unawa ng binasa ng isang mambabasa
ay isang tanda sa kanyang kasanayan. Mahalaga itong matamo bilang estudyante sa kolehiyo upang madaling magawa ang anumang mga gawaing may kinalaman sa pagbasa. Ang pag-unawang literal, ang pagpapakahulugan sa nilalaman ng teksto, ang mapanuring pagbasa, ang aplikasyon, at ang pagpahalaga, bilang mga panukatan sa pagbasa ay mangyari dahil paiba-ibang gawaing klasrum na ginagabayan ng guro. Sa mga gawaing pang-akadamiko, may mga tiyak na kasanayan pagbasa na kailangang malilinang nang sa ganun ay tataas ang antas ng karunungan at mapagaan lamang ang mga tungkulin sa paaralan. Ang mga sumusunod ay ang mga kasanayang dapat malilinang:
1. Pag-uuri-uri ng mga Ideya at Detalye
Ang pagkilala sa pamaksang pangungusap na siyang naglalahad ng punong kaisipan, at pagtukoy sa mga suportang kaisipan ay daan upang ma-uri-uri ang mga ideya at ang mga detalye. Bawat ideya ay may detalye, kung matukoy ito sa mga mambabasa nangangahulugang nakikita niya ang kabuuan ng tekstong binasa. Ang punong ideya ng teksto ay taglay sa pamaksang pangungungusap na kadalasang matatapuan bilang unang pangungusap sa isang talata o kaya ang pamaksang pangungusap ay matatagpuan sa huling bahagi ng teksto na ginagamit bilang implikasyon. Sa kasanayang ito ay kailangang makilala ang katawagang pangunahing ideya. Ang pangunahing ideya ay ang kung ano ang mahalaga na siyang tumutuon sa tema at ang makukuha na aral. Makukuha ito sa mambabasa kung siya ay may pagtatanong sa kung ano ang mahalaga sa isunulat ng may-akda at ang sariling pangangatuwiran kung paano pinagsama-sama ang mga ideya para mailalahad ang pangunahing ideya. Sa ganitong paraan, ang paksa ay makilala rin ng mambabasa, ang paksa ay ang tema o mensahe. Makilala ito sa pamamagitan sa pagtanong sa sarili:” tungkol saan ba ang teksto?” “Ano-anong impormasyon ba ang tinatalakay ng manunulat, at ilang mga impormasyon ba ang mayroon.
2. Pagtukoy sa Layunin ng Teksto
Sa pangkalahatan ang teksto ay naglalayuning magpaliwanag, mag-ulat ng mga panyayari, maglalarawan ng bagay, kaisipan at iba pa, at mangangatuwiran at mangungumbinse sa pamamagitan ng mga patunay. Kung batay naman sa mga manunulat, ang layunin ng teksto ay tiyak gaya ng magbigay ng impormasyon, magturo, mangaral,sumusukat sa kakayang pag-iisip, magpapatunay, kumikilatis ng mga bagay, mag-aliw, magpatawa, magpayo at iba pa. Kung paano tiyakin ang layunin ng teksto kailangan matiyak muna kung ano ang paksa. Ang layunin ng teksto ay makilala rin sa mga pananalitang ginagamit ayon sa mga bagay na pinapahalagahan ng isang manunulat dahil piling-pili niya ang mga salita.
3. Pagtiyak sa Tono, Damdamin at Pantayong Pananaw
Ang bawat pagsulat ay may mga estratehiya. Upang makilala ang tatak ng isang manunulat kaya siya ay pumili rin ng mga salita upang maiba siya sa iba pang mga manunulat. Kung ano man ang sentimento ng manunulat ay makilala ito sa kanyang mga pananalitang ginagamit. Ang pananalitang ginagamit ay maaring nagpapakila sa isang uring bagay, isang uring paniniwala, isang uring pilosopiya o anupaman. Dala sa mga pananalitang ginagamit ng manunulat ay ang kanyang sariling pagtingin sa mga bagay sa kapaligiran. Iyon ay sumisimbolo sa kanyang nadarama. Ang nadarama o saloobin ng manunulat sa pamamagitan ng mga pananalitang ginagamit ay tinatawag na tono.
Samantala, ang anumang madarama ng mambabasa dahil sa mga pananalitang ginagamit ng manunulat ay ang tinatawag na damdamin. Ang pantayong pananaw naman ay nangangahulugang pananaw o paningin ayon sa kung sino ang nagsasalita. Isa rin itong elemento ng teksto upang maipaabot ng malinaw ang mga kaisipang inilalahad. Ang pantayong pananaw ay makilala sa mga panghalip na ginagamit ng manunulat. Ang pananaw ay makilala sa mga katawagang “unang panauhan(ako, tayo, kami)”, “ikalawang panauhan(ikaw, ka)”, at ”ikatlong panauhan(siya, sila)” at iba pang mga anyong panghalip na panao.
4. Pagkilala sa Opinyon at Katotohanan
Ang mga pahayag ay mauuri bilang opinyon o katotohanan. Ang opinyon ay napabilang sa personal na tungkulin ng wika. Maari iton sang-ayunan o salungatin ng mga mambabasa. Subalit ang katotohanan ay ang mga pahayag na bunga sa masusing pag-iimbistiga, mga umiiral na kaganapan at makaagham na pag-aaral. Ito rin makilala sa mga teoryang pinag-aralan, mga balitang laman ng pahayagan at mailalahad sa telebisyon, o ma-online at bawat pahayag ay may mga pangalang nakataya bilang proponent o may karapatang-ari. Ang mga pahayag na nasa ganitong uri ay hindi mapasusubalian dahil may baliditi at kredibiliti, at bilang kapalit ito’y tinatanggap na. Ang pananaliksik at teknikal na pagsulat ay mga tekstong hindi dapat lakipan ng opinyon. Ang mga sanaysay at iba pang mga personal at malikhaing pagsulat ay mga panulat na kadalasang kinapapalooban ng mga pansariling opinyon.
5. Pagtukoy sa Hulwarang Organisasyon ng Teksto
Ang pagtukoy sa hulwarang organisayon ng teksto ay pag-alam kung paano nabuo ang isang panulat. Panulat na matatawag na ekspositori o paglalahad. Ang panulat na ito ay ang panulat na makikita natin sa mga sulating pananaliksik.
Bilang kabatiran, ito ay mahalagang kaalaman na nagpapamalas ito sa isang hakbang patungo sa kritikal na mambabasa dahil kung matutukoy ang mga iyon dahil ito rin ay makapaghatid ng mambabasa sa madaliang pag-unawa ng teksto. Magawa ng mambabasa ang paghihinuha at paghuhula ng mga konteksto.
Naririto ang anyo ng hulwarang organisayon ng tekstong ekspositori.
Commenti